top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021




Dumating na sa bansa ang 487,200 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility kagabi, Huwebes.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang KLM flight mula sa Belgium na naglalaman ng AstraZeneca COVID-19 vaccine dakong alas-7:19 ng gabi.


Ito na ang ikalawang COVID-19 vaccine na dumating sa bansa kasunod ng Sinovac mula sa China noong Linggo.


Samantala, inaasahang makatatanggap ang Pilipinas ng aabot sa 5.5 million hanggang 9.2 million AstraZeneca vaccine doses ngayong taon mula sa COVAX facility.


 
 

ni Lolet Abania | March 2, 2021




Personal na tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng inaasahang 3.5 milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.


Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque dalawang araw matapos na simulan ng gobyerno ang vaccination program gamit ang Sinovac vaccine ng China.


“He’s on standby, to being in the airport to receive the delivery of the COVAX vaccine, AstraZeneca, kung kailan po ito mangyayari, ‘no? Kahapon po, nagbigay siya ng order, sabihin lang sa kanya kung kailan darating at sasalubong din po siya,” ani Roque.


“Uuwi siya ng Maynila kung siya’y nasa Davao at sasalubong din siya sa AstraZeneca. Dahil kung dumating, kinakailangang pasalamatan din natin ang WHO (World Health Organization) at ang gobyerno po ng Inglatera dahil talagang itong papasok po at darating na COVAX facility allocation ng AstraZeneca ay dahil po sa intercession ni Ambassador (Daniel) Pruce ng United Kingdom,” dagdag ni Roque.


Gayunman, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., ang pagdating ng AstraZeneca vaccines ng COVAX facility sa bansa ay wala pang siguradong petsa dahil sa kakulangan ng supply nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page