top of page
Search

ni Lolet Abania | December 17, 2022


ree

Pumanaw na ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na na-self-exile sa Netherlands simula 1987, sa edad na 83.

Ang pagkamatay ni Sison ay inanunsiyo ng CPP chief information officer Marco Valbuena.


“Prof. Jose Ma. Sison, founding chair of the Communist Party of the Philippines, passed away at around 8:40 p.m. (Philippine time) after two weeks of confinement in the hospital,” pahayag ni Valbuena.


“The Filipino proletariat and toiling people grieve the death of their teacher and guiding light,” aniya pa.


Isang activist, si Sison, ang siyang nagtatag ng leftist revolutionary organization na CPP noong Disyembre 1968.


Sa mahigit limang dekada, ang CPP ay naitatatag bilang isang insurgency rebellion na laban sa gobyerno, kasama na ang kanilang armed wing na New People’s Army at political arm na National Democratic Front of the Philippines (NDFP).


“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” saad ni Valbuena.


“Even as we mourn, we vow to continue to give all our strength and determination to carry the revolution forward guided by the memory and teachings of the people's beloved Ka Joma,” sabi pa ni Valbuena.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 13, 2021



ree

Minarkahan bilang mga terorista ang 19 miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP), kabilang ang founder nitong si Jose Maria ‘Joma’ Sison, base sa Resolution Number 17 ng Anti-Terrorism Council (ATC).


Anila, "The Central Committee is the highest decision and policy-making body of the CPP and also leads and commands the NPA, its main weapon in attaining the Party's goal of overthrowing the duly elected government by seizing and consolidating political power through violent means."


Maliban kay Sison, kinilala rin bilang mga terorista sina Vicente Ladlad, Jorge Madlos, Adelberto Silva, Rey Casambre, Rafael Baylosis, Wilma Tiamzon at Benito Tiamzon.


Sa kahiwalay na resolusyon nama’y kasama rin ang ilang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group at Daulah Islamiyah.


Paliwanag pa ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang mga nabanggit umano ay na-verify at na-validate na kabilang sa pagpaplano, pagpe-prepare, pagpa-facilitate at gumagawa ng iba pang hakbang na may kinalaman sa pagiging terorista.


Ayon kay Esperon, “The master red-tagger is no other than Jose Maria Sison. We are merely informing the public, this is of course what we called truth tagging for purposes of public information so that we will not be misled by this movement or triad of the Communist Party of the Philippines, the New People’s Army, and the National Democratic Front.”


Sa ngayon ay pinapa-freeze na sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) maging ang kanilang mga assets.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page