top of page
Search

ni Lolet Abania | May 30, 2022



Isinara na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes ang Automated Election System (AES) at network infrastructure na ginamit sa katatapos na 2022 national at local elections.


Ayon sa Comelec, ang pagsasara ng mga AES servers at network infrastructure ay ginawa sa harap ng mga political parties at citizen arms, subalit hindi ito bukas sa media coverage para sa seguridad na rin sa data centers.



Bandang alas-10:41 ng umaga sinimulan ng Comelec ang procedure, kung saan ang proseso nito ay ipinalabas livestream sa kanilang official Facebook page at YouTube channel. Inumpisahang i-shutdown ng Comelec ang automated server, physical server, at kanilang network infrastructure sa Backup Data Center-Data One sa Quezon City.


Kasunod nito ang pag-shutdown naman ng kanilang consolidated canvassing system at ang transmission router database sa Central Data Center sa PLDT Vitro Taguig City. Ang AES servers at network infrastructure sa Transparency Data Center sa PLDT Vitro Parañaque ay isinara sabay-sabay sa systems sa Central Data Center sa Taguig City.


Paliwanag ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, ang pagsasara nito ay bahagi ng post-election procedures ng poll body.


“Just like with the transparency server po, there will be a backing up procedure to be followed by the shutdown processes,” sabi ni Laudiangco.


“The Data Centers, similar to the Transparency Server, have already served their purposes po for this Elections, thus, necessitating their decommissioning,” pahayag pa ng opisyal. Ayon pa kay Laudiangco, magkakaroon din ng tinatawag na backing up procedure kasunod ng shutdown processes.


Isinagawa ang naturang event sa Central Data Center sa Bonifacio Global City, Taguig; ang Transparency Data Center sa Sucat, Parañaque; at ang Backup Data Center sa Eastwood City Cyberpark, Quezon City.


 
 

ni Lolet Abania | May 29, 2022



Ipinaalala ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato ng katatapos na 2022 national at local elections na ang deadline para sa paghahain ng kanilang statement of contribution and expenditures (SOCE) ay hanggang Hunyo 8 na lamang.


Sa isang radio interview ngayong Linggo, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na hindi na tatanggapin ng poll body ang mga statements ng mga gastos sa kampanya na lumagpas sa ibinigay na deadline.


“Pinapaalala natin, whether nag-withdraw o natuloy, whether natalo o nanalo, sila po lahat ay magpa-file ng kanilang SOCE,” giit ni Garcia. “Hindi po kami mag-e-extend beyond June 8,” dagdag ng opisyal. Ayon kay Garcia, ang mga kandidato na hindi magsa-submit ng kanilang SOCE ay mahaharap sa mga kaso at pagmumultahin.


Para naman sa mga bigong maghain sa ikalawang pagkakataon ay maaaring mapatawan ng perpetual disqualification na humawak ng posisyon o public office. Sinabi ni Garcia na tinatayang nasa 500 kandidato noong nakaraang eleksyon ang nahaharap sa posibleng perpetual disqualification para humawak ng posisyon.


Gayundin aniya, ang isang kandidato na nanalo sa eleksyon ay maaaring matanggal sa public office dahil sa paglabag nito sa SOCE regulations.


Ang mga campaign donations ay dapat na i-report sa mga SOCEs na ani Garcia, maaari nilang i-cross-check ang mga impormasyon sa mga donors. Ayon pa kay Garcia, “Failure to declare campaign donations constitutes a violation of SOCE rules and candidates can also be charged of perjury.”


 
 

ni Lolet Abania | May 26, 2022



Nakatakdang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong 55 partylist groups ng May 9 national at local elections, na gaganapin ngayong Huwebes, Mayo 26, 2022, alas-4:00 ng hapon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, kung saan isinagawa ang canvassing of votes.


Ang mga partylist groups na nagwagi sa eleksyon ay ang mga sumusunod:


1. ACT-CIS

2. 1-Rider PL

3. Tingog

4. 4PS

5. Ako Bicol

6. Sagip

7. Ang Probinsyano

8. Uswag Ilonggo

9. Tutok to Win

10. CIBAC

11. Senior Citizens PL

12. Duterte Youth

13. Agimat

14. Kabataan

15. Angat

16. Marino

17. Ako Bisaya

18. Probinsyano Ako

19. LPGMA

20. API

21. Gabriela

22. CWS

23. Agri

24. P3PWD

25. Ako Ilocano Ako

26. Kusug Tausug

27. An Waray

28. Kalinga

29. Agap

30. Coop-NATCO

31. Malasakit@Bayanihan

32. BHW

33. GP Party

34. BH

35. ACT Teachers

36. TGP

37. Bicol Saro

38. Dumper PTDA

39. Pinuno

40. Abang Lingkod

41. PBA

42. OFW

43. Abono

44. Anakalusugan

45. Kabayan

46. Magsasaka

47. 1-PACMAN

48. APEC

49. Pusong Pinoy

50. TUCP

51. Patrol

52. Manila Teachers

53. Aambis-OWWA

54. Philreca

55. Alona


Nakasaad sa batas na ang isang partylist group na makakuha ng tinatayang 2% ng kabuuang bilang ng naging mga boto sa party-list race ay entitled sa tinatayang isang seat sa House of Representatives.


Para sa mga lumampas ng 2% threshold, sila ay entitled naman sa karagdagang seats na proporsyunal sa bilang ng naging mga boto, subalit ang kabuuang bilang ng seat para sa bawat nanalong partylist group ay hindi maaaring mag-exceed sa tatlo.


Para sa mga hindi nakakuha ng 2% requirement, maaari pa ring maka-secure ng isang seat sa House of Representatives dahil ayon sa batas, kailangan na 20% ng House members ay magmumula sa partylist ranks.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page