top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 1, 2023



ree

Pinapayagan na tumakbo sa halalan ang mga Persons deprived of liberty (PDLs) basta't wala pang huling hatol mula sa hukuman, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ngayong Miyerkules.


Ipinaliwanag ito ng Comelec chief matapos na manalo sa 2023 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang tatlong PDLs.


“Pinayagan natin sila makaboto sapagkat sabi po ng Korte Suprema doon sa kaso ng Aguinaldo versus Comelec at saka po [Bureau of Corrections], dahil hindi pa sila finally convicted, wala pang final judgment na sila ay guilty, therefore, meron pa silang karaptan bumoto at may karapatang maiboto. ‘Yun po ang kadahilanan kung bakit sila ay nakaboto at nakatakbo,” Garcia sabi ni Garcia sa isang pahayag sa Dobol B TV.


Tinutukoy ni Garcia ang isang desisyon ng Korte Suprema noong Marso 2022 na nagpasya na pinapayagan ang mga bilanggo na bumoto sa antas ng lokal na pamahalaan.


Bagamat pinapayagan silang tumakbo sa puwesto, sinabi ni Garcia na patuloy pa ring ipinagbabawal sa mga PDLs ang pagpunta sa mga barangay hall para magsilbi.


“Ngayon, paano sila magsisilbi? In the meantime, siguro naman po ay alam ng mga constituency nila na sila ay nasa kulungan… In the meantime, deprived of liberty po siya and very limited ang kaya at pwede lamang niyang gawin,” dagdag niya.

 
 

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 1, 2023



ree

Tinukoy ng ilang barangay gamit ang palabunutan at toss coin ang mga kandidatong may patas na bilang na botante para malaman ang panalo sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).


Inihayag ang nanalo sa pagka-konsehal batay sa coin toss sa isang barangay sa Maynila.


May ilan ding brgy. gaya sa Lagangilang town ang kinilala ang panalo gamit ang lots, na siya namang pinayagan ng Commission on Elections (Comelec).


Ayon sa abogadong si Emil Marañon III, ang toss coin ay hindi suportado ng Omnibus Election Code ngunit pasok ito kung ang lahat ay kinikilala ang resulta.


Ang ganitong pamamaraan ay dati nang ginamit para matukoy ang panalo sa mga kandidatong nagtabla sa halalan.





 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 31, 2023



ree

Ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na ang lahat ng mga nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ay ipoproklama ngayong araw.


Ayon sa Comelec Chair na si George Garcia, dapat na maipakilala ang mga nanalong kandidato sa kahit na anong mangyari ngayong Oktubre 31.


Ito ay matapos na maiproklama ang 92.7% ng mga nanalong kandidato.


Dagdag ni Garcia, ang bilangan sa 98.21% ng 42,001 barangay ay tapos na, at nagtatagal lamang ang proklamasyon dahil may mga kandidato ang nakakuha ng parehas na bilang ng boto.


Aniya, nangako ang mga regional directors na kanilang matatapos ang lahat sa araw na ‘to.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page