top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | Feb. 19, 2025



Comelec Chairman George Garcia - Comelec

Photo File: Comelec Chairman George Garcia - Comelec



Hindi umano bawal ang paggamit ng negative campaigning laban sa kapwa kandidato.

Paliwanag ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, pinapayagan ito sa ilalim ng Omnibus Election Code.


Gayunman, babala ni Garcia puwede itong mauwi sa cyber libel o libel kung nakakasira ng puri o nag-aakusa, na isang krimen o isang bagay na hindi naman totoo. 


Aminado ang opisyal na wala silang magagawa kung ang nagsasagawa nito ay supporter ng kandidato.

 
 

ni Madel Moratillo @News | Jan. 24, 2025



Comelec - Ballot Printing

File Photo: Comelec


Muling ipinagpaliban ang nakatakda sanang muling pag-imprenta ng opisyal na mga balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo.


Sa abiso ng Commission on Elections (Comelec), ang dapat sanang pagpapatuloy ng ballot printing ngayong araw, Enero 24, ay muling inilipat sa Enero 27, Lunes, na gagawin sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.


Ito ay kasunod ng pag-atras ng senatorial candidate na si Francis Leo Marcos nitong Huwebes.


Ayon sa Comelec, si Marcos ay isa sa mga nabigyan ng temporary restraining order ng Korte Suprema na pumipigil sa desisyon ng komisyon na ideklara itong nuisance candidate ng Commission en banc.


Panawagan ni Comelec Chairman George Garcia sa mga may plano pang umatras na maghain na bago pa sila magsimulang mag-imprenta.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 6, 2024



ree

Umabot na sa 910,918 ang bilang ng bagong botante para sa 2025 national at local elections, tatlong linggo mula nang simulan ang panahon ng rehistrasyon.


Base sa datos ng Comelec hanggang Marso 4, naitala ang bilang ng pinakamaraming aplikante sa Calabarzon na may 165,702. Sinundan ito ng National Capital Region na may 140,638, at Central Luzon na may 98,976.


Naitala naman ang pinakakaunting bilang sa Cordillera Administrative Region na may 10,346 lamang.


Inaasahan ng Comelec na magpaparehistro bilang bagong mga botante ang hindi bababa sa tatlong milyong Pilipino sa buong bansa bago ang mga midterm polls sa Mayo 2025.


Nagsimula ang rehistrasyon ng mga botante noong nakaraang buwan, Pebrero 12, at magtatapos sa Setyembre 30, 2024.


Maaaring magparehistro ang mga botante mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, sa anumang opisina ng Comelec sa buong bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page