top of page
Search

ni Lolet Abania | February 8, 2022



Hinimok ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez ang publiko na i-report sa ahensiya ang anumang insidente ng vote buying habang ang kampanyahan para sa national at local elections ngayong taon ay opisyal nang nagsimula.


Payo rin ni Jimenez sa lahat na idokumento ang mga insidente ng vote buying at hinikayat na maghain ng complaint o reklamo hinggil dito.


“Ang panawagan namin sa publiko ay ‘pag nakakita kayo ng lumalabag ay i-report ninyo ‘yan kahit kakampi ninyo ‘yan huwag nating papabayaan makalusot dahil kakampi natin ‘yung kandidato, kailangan i-report natin ‘yung kanilang paglabag,” sabi ni Jimenez sa isang interview ngayong Martes.


“Kapag kayo nakakita ng instances ng vote buying, meron po kayong puwedeng gawin. Puwede po kayong mag-document nu’ng nakita ninyong vote buying at ine-encourage namin sila mag-file ng complaint. ‘Yan po kasi ang pinakamahalagang aspeto ng laban, laban sa vote buying,” paliwanag ng opisyal.


Samantala, ayon kay Jimenez ang campaign committee ay nakikipag-ugnayan na sa mga barangay officials para ma-monitor ang mga paglabag na posibleng mangyari sa panahon ng campaign period.


“Meron po tayong kasing campaign committee in several levels, and isa sa mga trabaho ng campaign committee natin is to coordinate with the barangay structures. Ang sinasabi po natin is ‘pag may nakita po tayong violation sa campaign rules natin ito ay ituturing nating election offense maaaring magkaroon ng pagkakulong or fine,” sabi ni Jimenez.


Sa ilalim ng Section 14 ng Comelec Resolution 10372 ay nakasaad, “the following activities are strictly prohibited during in-person campaigns in all Alert Level categories including handshakes, hugs, kisses, going arm-in-arm in any action that involves physical contact among the candidate, their companions, and the public.”


Ipinagbabawal din ang pagkuha ng selfies, litrato at iba pang katulad na aktibidad na kailangan ng tinatawag na close proximity sa pagitan ng kandidato at kanilang companions, at ng publiko.


Ang opisyal na campaign period ng mga kandidato na tatakbo sa national positions at party-list groups sa Eleksyon 2022 ay ngayong Martes, Pebrero 8.

Nakatakda naman sa Mayo 9 ang Eleksyon 2022.

 
 

ni Lolet Abania | February 7, 2022



Magsisimula na bukas, Pebrero 8, 2022 ang opisyal na campaign period na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para sa lahat ng kandidato sa national at local elections 2022, kung saan karamihan sa kanila ay piniling gawin ang proclamation rallies sa kanilang kinagisnang bayan.


Ayon sa Comelec, malaki ang pagkakaiba ng kampanya ngayong taon kumpara sa nakagawian ng mga Pilipino dahil na rin sa pandemya ng COVID-19. Ang mga rules o panuntunan para sa 2022 campaigns ay nakasaad sa Comelec Resolution No. 10730.


Ipagbabawal ang pangangampanya sa Abril 14 at 15 (Maundy Thursday at Good Friday), gayundin sa bisperas ng araw ng eleksyon at sa araw mismo ng halalan, Mayo 8 at 9.


Narito ang mga nakaiskedyul na proclamation rallies ng anim na presidential at vice presidential tandems bukas, Pebrero 8:


• VP Leni Robredo-Sen. Kiko Pangilinan -- Gaganapin sa Magsaysay Avenue, Naga City ng alas-5:30 ng hapon habang maglilibot muna sa Camarines Sur.


• Sen. Panfilo Lacson-Sen. Vicente Sotto III – Gaganapin sa Imus Grandstand, Cavite ng alas-5:00 ng hapon


• Sen. Manny Pacquiao-Lito Atienza – Gaganapin sa General Santos City ng alas-3:00 ng hapon


• Ferdinand Marcos Jr.- Mayor Sara Duterte – Gaganapin sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria, Santa Maria, Bulacan ng alas-4:00 ng hapon.


• Mayor Isko Moreno Domagoso-Willie Ong – Gaganapin sa Kartilya ng Katipunan o Bonifacio Shrine, Manila ng alas-4:30 ng hapon.


• Leody de Guzman-Walden Bello – Gaganapin sa Bantayog ng mga Bayani, Quezon City ng alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.


Samantala, isasagawa naman ng presidential aspirant na si Dr. Jose Montemayor Jr. ang kanyang kampanya sa Pasay City.


Habang si presidential bet Ernesto Abella ay sa Dasmariñas City, Cavite naman gagawin sa Miyerkules, Pebrero 9.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 6, 2022



Inihayag ni former Palace spokesperson at ngayo’y senatorial aspirant Harry Roque na tinanggihan niya ang alok sa kanya na maging chairman ng Commission on Elections (Comelec).


“Perhaps for the first time I will reveal that the post of Comelec chairman was first offered to me,” pahayag ni Roque sa mga grupo ng reporters nitong Sabado.


Ayon pa kay Roque, hindi niya maaaring tanggapin ang alok na ito dahil siya ay ‘very loyal’ kay Pangulong Rodrigo Duterte.


“I said, I cannot accept that because obviously I am presidential spokesperson, and I am correctly perceived as being loyal to the President, and that is why I decided not to accept it because I might destroy the integrity of the commission, knowing that I am very loyal to the President, which at that time, was contemplating a run for the Senate, and also the daughter was running,” dagdag pa ni Roque.


Si Commissioner Socorro Inting ang ngayo’y acting chairman ng poll body matapos ang retirement ni Comelec chairman Sheriff Abas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page