top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | Mar. 1, 2025



Photo File: Atty. Jeryll Harold Respicio at Comelec Chairman George Garcia / Comelec / Alvin & Harold


Sinampahan ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act ng Commission on Elections (Comelec) sa pamamagitan ng kanilang Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan (KKK) sa Halalan, ang isang vice mayoralty candidate sa Isabela.


Sa reklamong inihain ng Comelec sa Manila Prosecutors Office, nakasaad na noong Enero 24, bandang alas-7 ng gabi, nag-post umano si Atty. Jeryll Harold Respicio sa kanyang social media page ng video na may titulong paano i-hack ang automated counting machine.


Kinabukasan, Enero 25, nag-post ulit umano siya ng video ng actual hacking ng umano'y source code ng ACM at kung paano ito madaling manipulahin.


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, gumawa umano ng kunwaring source code si Respicio para palabasin na kayang maniobrahin ang halalan. Ayon kay Garcia, bukod sa criminal complaint, sasampahan din nila ito ng disbarment complaint, at ipapatanggal ang lisensya bilang accountant sa Professional Regulation Commission (PRC).


Sa isang pahayag, sinabi naman ni Respicio na kaya siya kinasuhan ng Comelec ay dahil sa ibinunyag umano niyang kahinaan ng makina.


Sa isang panayam, sinabi naman ni Respicio, "Kinasuhan ako ng Comelec dahil sa Facebook video kung saan inilahad ko ang malubhang kahinaan ng voting machines".


"Kapag nakakonekta sa internet ang machine bago i-print ang election returns, maaaring madaya ang eleksyon. Bukod sa abogado, isa akong IT expert," dagdag pa nito. 


“Mukhang ang kanyang understanding, magta-transmit agad ang bawat makina tapos after ng transmission, saka magpi-print ng election returns. Baliktad po. Election returns muna bago ang transmission,” paliwanag naman ni Garcia.


“Ibig sabihin, bago mag-transmit alam na ng lahat ang boto sa bawat presinto. Paano mo siya maha-hack? Paano mo mababago? Paano mo mapapakialamanan ang results kung ganitong alam na ng lahat… kung ano ang results?” dagdag pa ng Comelec chairman.

 
 

ni Madel Moratillo @News | Feb. 25, 2025



Photo File: Comelec


Nasa 60% na ng mga balotang gagamitin para sa May 12 National and Local Elections ang naimprenta na. 


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa 44 milyong balota na ang naimprenta sa National Printing Office. 


Bumilis na rin naman aniya ang beripikasyon ng mga balota dahil may extension na sila sa Amoranto Stadium. 


Target ng Comelec na matapos lahat ng ito hanggang sa Abril 14 para masimulan naman ang deployment ng balota. 


Nasa 1.5 milyon hanggang 1.7M balota kada araw ang naiimprenta na ngayon gamit ang mga makina ng NPO at ng Miru.

 
 

ni Madel Moratillo @News | Feb. 25, 2025



Photo File: Comelec


Bumuo ng Task Force Respeto ang Commission on Elections (Comelec) bilang bahagi ng kanilang gagawing regulasyon sa mga pre-election survey. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nais nilang gawing patas ang playing field sa mga kandidato, mayaman man ito o mahirap. 


Sa Huwebes, makikipagpulong ang Task Force sa opisyal ng mga survey firm. Una rito, sa inilabas na resolusyon ng Comelec, inaatasan ang mga survey firm na magparehistro sa poll body. 


Sabi ng Comelec, ang mga nagparehistro lang sa kanilang Political Finance and Affairs Department ang puwedeng magsagawa at magpakalat ng election survey habang umiiral ang election period. 


Para naman sa mga kumpanya na nagsasagawa na ng survey bago ang inilabas na resolusyon ng Comelec, binigyan sila ng 15 araw para magparehistro. Babala ng poll body, ang mabibigong sumunod dito ay puwedeng masuspinde, mapagmulta o maharap sa election offense.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page