ni Lolet Abania | April 2, 2022

Nakumpleto na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng mga official ballots para sa 2022 national at local elections.
“The last of the 67.4M official ballots for the polls was printed at approximately 10:28 AM today, April 2,” anunsiyo ng Comelec sa kanilang Twitter account ngayong Sabado.
Ayon sa poll body, matapos ang printing, ang mga balota ay sasailalim naman sa isang verification process.
Sinabi rin ng Comelec na sinimulan ang proseso ng pag-imprenta ng mga balota noong Enero 23 at natapos ito ng Abril 2 na agad nakumpleto bago pa ang kanilang deadline sa Abril 25.
Sa Mayo 9, nakatakda ang 2022 national at local elections.


