- Seigusmundo Del Mundo
- Oct 24, 2020

Salaminin natin ang panaginip ni Robert na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Napanaginipan ko ‘yung dati kong kasamahang babae sa work. Sa totoong buhay, may asawa na siya pero sa panaginip ko, close na close kami at kung mag-usap kami ay halos dikit na dikit na ang katawan namin. Tapos, may instance pa na magkatapat kami sa upuan at kinindatan ko siya, tapos gumanti siya ng kindat.
Naghihintay,
Robert
Sa iyo, Robert,
Ganito ang ang sabi ni Haring Solomon sa kanyang aklat na Ecclesiastes na isa ring libro na nasa Bible, “May kani-kanyang panahon ang bawat aktibidad sa buhay ng tao,” ibig sabihin, sa ayaw o sa gusto ng tao, dumarating sa buhay niya ang takdang panahon sa dapat niyang ikilos.
Para sa iyo, Robert, sabi ng panaginip mo, dumating na ang takdang panahon o mga araw sa iyo para sa romance at love life. Kaya ito muna ang tutukan mo, kumbaga, mas magandang dito ka maging abala dahil ito rin ang masuwerteng araw mo para sa love at romance.
Ang panaginip na tulad ng sabi na ay mga panaginip ng “almost zero” o “zero” talaga ang love life. Minsan, ayon sa kanya, may love life naman siya, kaya lang, hindi naman nagsisinungaling ang mga panaginip, kaya kahit sinasabi niya na may love life siya, tiyak na hindi siya masaya kaya parang wala ring pag-ibig sa kanyang buhay.
Kaya kung nagkataon na ikaw ‘yung nagsasabi na may love life ka pero ganito pa rin ang panaginip mo, ito ay nagbabalitang kapag naghanap ka ng iba, tiyak na makakamit mo na ang pinapangarap ng lahat. Ano ‘yun? Eh ‘di ang kaligayahan sa love life.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
