top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS
Search

Nagpositibo sa COVID-19 ang ilang miyembro ng pamilya ng aktres na si Alex Gonzaga at aniya ay maging ang kanyang fiancé na si Mikee Morada ay na-infect din ng Coronavirus.

Sa bagong YouTube vlog ni Alex na may titulong “My Covid Journey,” aniya, ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi pa siya lumalabas sa bago niyang show sa TV5.

Sey ng aktres, “This week, alam n’yo maraming nagtatanong sa akin kung bakit hindi pa ako lumalabas sa ‘Lunch Out Loud (LOL).’ Hindi ako nagpapakita sa show for two weeks, it’s because nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive. Actually, the whole family nagkaroon po ng outbreak dito sa aming bahay.”

Aniya, may isa silang kasamahan sa bahay na nagyayang kumain sa labas, dahilan ng pagkakasakit nila.

Saad ni Alex, “May kasamahan kami rito, itago na lang natin sa pangalang (sensored) na nag-craving.

“Nakuha namin siya out of pagkain sa labas which is naiintindihan ko naman.

Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours, pagbalik niya, siguro ru’n niya nakuha ‘yung COVID.”

Ang una raw na nahawa sa kanila ay si Mommy Pinty at asymptomatic ito.

Aniya, “Ang mga naapektuhan po sa family namin, kaming tatlo nina Mommy at Daddy, ofcourse si Mikee and si Sofie. Si Sofie, nahawa dahil sa akin.”

Marami raw siyang plano na na-delay dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 kaya ganu’n na lamang ang pagsama ng loob niya.

Aniya, “Tina-try ko ngayong kausapin si Lord… kasi sobrang nasira ‘yung plans ko ngayong October. Gusto kong ikasal ngayon kasama ‘yung family, konting friends. Dahil sa walang kakuwenta-kuwentang bagay, nagkaroon kami ng COVID.”

Ang mga symptoms ni Alex, aniya ay nakaramdam siya ng panghihina, slight fever, sore throat, nawalan din siya ng ganang kumain pati ng panlasa. Medyo okay naman daw ang kanyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Siya raw ang pinakanagkaroon ng matinding symptoms at si Mikee.

Sey ng aktres, “My sister (Toni), eventhough nagsama kami, lahat sila negative sa PCR and also ‘yung mga nakasama ko last week, nagpa-test naman sila, they are all negative.”

 
 

Positibo sa COVID-19 si Polish President Andrzej Duda, ayon kay Poland Presidential Minister Blazej Spychalski sa kanyang Twitter account nitong Sabado.

Aniya, "The president yesterday was tested for the presence of coronavirus. The result turned out to be positive. The president is fine. We are in constant contact with the relevant medical services.”

Hindi malinaw kung kailan na-infect ng Coronavirus si Duda ngunit dumalo ito sa investment forum noong Lunes sa Tallin kung saan nakipagkita siya kay Bulgarian President Rumen Radev na sumailalim sa quarantine.o, Northern Mindanao at Caraga.

 
 

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nag-post si KC Concepcion ng throwback picture niya together with her mom, Megastar Sharon Cuneta, Sen. Kiko Pangilinan at ang dalawa niyang step sisters na sina Frankie at Miel Pangilinan.

Sey ni KC sa caption: “Graduation day '08. Forever thankful that my parents sent me away to Europe for university. 5 years of growing from a teen to a twenty-something. In a new home that hardly spoke English at all (I had to learn everything from banking to groceries to doctors' visits in French). I eventually grew into it, adapted to the culture, got molded by the places and people — that time remains to be an enormous part of who I am today. Funny thing is, I feel like I’m back there now, thrown into something new, something unfamiliar, something different... and succeeding in the situations you find yourself in... as we all learn so much more about how to do LIFE in these bewildering times."

Inisa-isa ni KC ang mga natutunan niya habang nag-aaral sa Paris, “How to do things, how to feel things, how to stay disciplined, how to manage your emotions, how to empathize, how to support yourself, not getting it right all the time, but staying the course and picking yourself back up again. Not knowing what the next thing is gonna be, but going with the flow and just doing it."

Sa nangyayari ngayon, ani KC, parang binalikan niya ang naging buhay niya sa Paris.

"I’m back to the everydayness of life where there are ups and downs, scary times and then finding pleasure all around. My time as a university student and this time as a student of life (while on lockdown right now) feel the same in so many ways!

“There’s inner work being done to each one of us as we lose our freedom and adapt to new normals.”

Marami ang naka-relate sa naturang post ni KC dahil lahat naman tayo ay nagulat sa pagdating ng COVID-19 sa ating buhay kung saan napilitan tayong mag-adjust sa tinatawag na "new normal". Kaya naman, kani-kanyang komento ang mga netizens sa post ni KC at nag-share rin ng mga experiences at life learning nila ngayong lockdown.

Nakakaloka lang na dahil nga throwback ang naturang larawan, komento ng isang netizen, “Parang ang pangit mo dati at ang itim mo dati, KC? Pero ang ganda mo na sobra ngayon.”

O, 'di ba? Napuna pa niya talaga ang before and after look ni KC sa gitna ng pandemyang ito, ha?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page