top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg
Search

Nitz Miralles / Bida

Mapapanood na rin sa free TV ang hottest Korean actor ngayon na si Hyun Bin ng hit K-drama na Crash Landing on You dahil ibabalik ng GMA-7 ang Secret Garden na pinagbidahan din ni Hyun Bin.

Kung sundalo sa CLOY si Hyun Bin, sa Secret Garden ay CEO siya ng isang high-end department store.

Leading lady ni Hyun Bin sa Secret Garden si Ha Ji Won sa role ng stuntwoman sa isang action school.

Sa paggu-Google namin, nalaman naming kasama sa cast ng Secret Garden si Son Ye Jin, ang leading lady ni Hyun Bin sa CLOY, pero supporting ang role at hindi siya ang lead actress.

O, ‘di ba, after ilang years, nagkasama sina Hyun Bin at Son Ye Jin sa CLOY na nagustuhan ng lahat at marami ang kinilig?

Ipinakita na ng GMA-7 ang short teaser ng Secret Garden, pero hindi pa sinabi kung kailan ang airing nito. Most probably, ito ang papalit sa The Last Empress na airing pa ngayon.

 
 

Pumanaw na ang South Korean actor na si Park Ji Hoon nitong nakarang Lunes (May 11, 2020) sa edad na 31.

Ang pagpanaw ng aktor ay kinumpirma ng kanyang pamilya nito lamang Biyernes (May 15) via social media.

Ayon sa post ng pamilya, gastric cancer ang ikinamatay ni Park Ji Hoon.

“We are posting this message just in case there is anyone we mistakenly did not contact. We deeply thank everyone who sent their warm comfort and encouragement even during the ongoing COVID-19 outbreak.

“Thanks to you all. I was able to send my younger brother to heaven. You all gave great strength to not just myself, but my family too. We won’t forget this,” ang nakasaad sa post ng kapatid na babae ni Park Ji Hoon.

Park Ji Hoon was best remembered as Jeon Doo Yeob sa Korean drama na Chicago Typewriter in 2017.

 
 

Balitang naka-self-quarantine ngayon ang member ng Twice na si Tzuyu matapos itong dumating sa bahay ng parents niya sa Taiwan.

Lumabas kasi ang interview sa mother ni Tzuyu na si Huang Yen Ling sa Taiwanese media outlet na Liberty Times kung saan inamin niyang naka-self-quarantine ang anak.

Ayon sa article, duma­ting daw si Tzuyu sa Taiwan noong March 3 at ina­bisuhan na mag-self qua­rantine for 14 days base na rin sa Coronavirus quarantine policy ng Taiwanese authorities.

“Tzuyu is in a frustrating situation because she can’t leave the house for 14 days, but we need to cooperate with the government’s quarantine policy,” pahayag ng ina ng singer.

Ayon pa sa nanay ng Twice member, ginamit na lang ng kanyang anak ang self-quarantine period bi­lang bakasyon at nanood ng mga movies at nag-exercise sa bahay.

Si Tzuyu ay isang Taiwanese at pumunta ng South Korea para mag-training. Sumali siya sa Korean reality show na Sixteen in 2015 at isa sa 9 na top participants kaya naman nakasama siya nang buoin ng JYP Entertainment ang girl group na Twice along with 8 other members na sina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun at Chaeyoung.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page