top of page
Search

NATUTULIRO na ang buong mundo sa COVID-19.

Halos 40 percent ng ilang units ng taxi ay nagsitigil na sa pamamasada!

◘◘◘

HINDI na maka-boundary ang mga pobreng taxi drivers dahil sa “Angkas” at nang magdeklara ng state of public health emergency — lalo silang nawalan ng pasahero.

At mas naging grabe nang ikansela ang mga klase sa iskul!

◘◘◘

MATUMAL na rin ang stall at puwesto sa mga mall.

Nalugi na nang todo ang Greenhills area sa San Juan City.

Inaasahan, bangkarote na rin ang ilang malls!

◘◘◘

KAHIT walang lockdown, nagkukusa nang magsarado ang ilang establisimyentong walang kostumer at kliyente.

Malinaw na nararanasan na ang krisis sa ekonomiya!

◘◘◘

DARAMI ang magnanakaw at mandarambong.

Nagsisiuwi na rin sa probinsiya ang ilang pamilya na nawalan ng pagkakakitaan.

Hinihintay lang nila ang “maagang bakasyon sa iskul” bago mag-exodus sa kani-kanyang lalawigan!

◘◘◘

MAHALAGANG maunawaan ng LGUs ang sitwasyon sakaling lumala.

Saan kukuha ng makakain ang mga mawawalan ng trabaho?

◘◘◘

HIGIT sa epekto ng lindol, bagyo, baha o pagputok ng bulkan ang epidemya.

Hindi malinaw kung kailan ito matatapos!

◘◘◘

HINDI simple ang desisyon sa lockdown ng Metro Manila.

Pero, ito ay ipinatupad na sa mauunlad na bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Hindi inaabiso ang lockdown, ito ay parang deklarasyon ng Martial Law at kudeta — biglaan ang implementasyon nito!

◘◘◘

BUMAGSAK ang presyo ng petrolyo sa buong daigdig.

Sintomas ito na sarado ang mga pabrika at kakaunti ang bumibiyahe sa kalye sa iba’t ibang bansa!

◘◘◘

HINDI pa mararadaman nang todo ang negatibong epekto ng epidemya.

Ito ang mararamdaman nang matindi sa susunod na 2 o 3 buwan — bandang Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto!

◘◘◘

MARAMI ang nagpa-panic-buying.

Mas marami ang nagpa-panic, pero walang “buying” kasi walang datung.

Puro panic lang sila!

◘◘◘

MABILIS na makahawa ang COVID-19 dahil sa physical contact.

Pwes, ipagbawal na ang paggamit ng “pera”.

Yipeeee!

◘◘◘

KAPAG bawal na ang “aktuwal na salapi”, ano ang ipambibili natin?

Siyempre, laway na lang.

Bawal din ang “laway” kasi magkakalat daw ng virus.

Ano ang dapat gawin na pambili ng produkto?

Mas safe ay “kindat” na lang o ngiti, ngisi, ngiwi o senyas na lang ng mga kamay.

Ayayaay, ang buhay!

 
 

Kayrami nang nagpa-panic sa pagkalat ng COVID-19.

‘Yan ang epekto ng deklarasyon ng state of public health emergency sa bansa!

Maging ang mga taxi drivers ay natutuliro. Kakaunti na lang ang kanilang pasahero!

◘◘◘

May ilang kumpanya na pinatatakbo ng mga foreigners na itinigil na ang operasyon.

Marami ang nawalan ng trabaho!

◘◘◘

Kaunti na rin ang nagpupunta sa mga malls.

Magsasarado na ang mga negosyo dahil d’yan!

◘◘◘

Donimo-effect ang nararanasan ng lahat.

Hindi napipigil ng press conference ang panic ng mga tao!

◘◘◘

Sa panahon ng krisis, kaawa-awa ang mga dati nang nagdarahop.

Sa krisis, ang mayayaman ay lalo pang yayaman at ang mga nagdarahop ay lalo pang magdarahop!

◘◘◘

Sa panahon ng epidemya, kahit ang ubod nang yaman ay maaaring hindi makaligtas sa virus.

Kasi “invisible” o hindi nakikita ng naked eye ang mga virus — na makapapasok sa bedroom ng mga bilyonaryo!

◘◘◘

Para sa kaalaman ng lahat, batay sa datos — ang mga senior citizens at mga dati nang maysakit ang karaniwang “casualty” ng COVID-19. Kinumpirma ring ligtas ang mga paslit!

◘◘◘

Immune system pa rin ang depensa kontra sa lahat ng virus at bacteria. Ang mga paslit ay may super-enerhiya at may matinding immune system.

Pero ang mga senior citizens ay karaniwang may mahinang immune system kaya sila ang biktima rito!

◘◘◘

Ang pangontra sa virus at bacteria ay disinfectant, enzymes at pro-biotics o good bacteria.

Ang disinfectant ay pumapatay ng mga microorganisms — kasama ang good bacteria!

◘◘◘

Ang disinfectant ay karaniwang kemikals na papatay sa bacteria at kapag nasobrahan ng timplada ay maaari ring makasama sa kalusugan ng tao.

Ang enzyme ay karaniwang fruit extract o organic na higit na mas mainam kaysa sa kemikal — pero napapatay din nito ang good bacteria!

◘◘◘

Mas mainam na gamitin ay ang mga good bacteria na nagmumula sa fermentation ng mga organic matter — ito ang pro-biotics na papatay sa bad bacteria.

Kapag mas marami ang good bacteria sa paligid, makokontra nito ang epekto ng bacteria at siyempre, kahit ang virus ay mababawasan ang pananalasa sa tao!

◘◘◘

Nawasak na ng tao ang kanyang paligid — nalipol nito ang likas na good microorganism kaya nakalaya ang bad microorganisms na siyang lumilipol sa living things. Ang mga tao sa kabundukan o mga indigenous people lang ang makaliligtas sa pananalasa ng virus sapagkat malakas ang kanilang immune system.

Kumbaga, ang mga native Filipinos ang sasagip at magpepreserba ng Lahing Kayumanggi — hindi ang mga mestizong nagpaalipin sa mga dayuhan!

 
 

Idineklara na ang state of public health emergency sa bansa.

Paktaylo!

◘◘◘

DEDMA lang ang marami sa idineklarang “emergency”.

Hindi pa kasi nahahawa ang kapitbahay nila!

◘◘◘

SA totoo lang, dapat paghandaan ang epidemya — bago pa ito maging krisis.

Alerto ang lahat!

◘◘◘

DAHIL may emergency, malaya na ang mga public officials na gamitin ang “calamity fund”?

Pwes, mauubos ang kaban ng bayan sa mga buwitre sa pamahalaan!

◘◘◘

RAMDAM na ang krisis sa ekonomiya kahit wala pang epidemya.

Paano na kapag kinansela na ang klase sa iskul at isinarado ang ilang establisimyento?

◘◘◘

KAKAUNTI na ang namamasyal o pumupunta sa mall at nagsisimba.

Umiiwas sila sa bulto ng mga tao.

Malaki ang tama ninyo!

◘◘◘

KAPAG tumigil ang mga tao sa pagkilos o pagbibiyahe, lulugmok ang ekonomiya.

Marami na ang ayaw gumastos, itinatabi ang pera sa “emergency” na ibinabala.

Lalong gagrabe ang krisis!

◘◘◘

AYON sa PNP chief, walang ebidensiya na nasa loob ng Pilipinas ang libu-libong sundalong Chinese.

Kung ang lahat ng mamamayan ng China ay dumaraan sa military training — puwede bang sabihing “walang sundalong Chinese sa Pilipinas”?

Sentido-kumon!

◘◘◘

KUNG may Intel operation ang bansa laban sa kapwa bansa, mag-iiwan ba ng ebidensiya ang mga military spies?

Entiendes?

◘◘◘

ISINAILALIM sa quarantine ang 15 milyong katao sa dalawang siyudad sa Italy dahil sa COVID-19.

Nanangkupooo!

◘◘◘

TULAD ng Japan, karaniwang mamamayan sa Italy ay higit sa edad 60.

Ang mga senior citizens ang karaniwang “casualties” ng COVID-19!

◘◘◘

NALULUGI na ang mga pinakapopular na fast- food chains sa bansa.

Ito ay simula ng domino-effect!

◘◘◘

HINDI raw sabotahe ang pagbagsak ng helikopter na sinasakyan ng mga heneral.

Talaga?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page