top of page
Search

May krisis sa PNP.

Bakit pinababayaan ng Palasyo?

◘◘◘

ERE na ang Bagyong Ambo.

Ibang dumiskarte ‘yan, ingat po!

◘◘◘

NASISILIP na ang pagtatapos ng krisis sa COVID-19.

Pero ang krisis sa ekonomiya—hindi malinaw kung paano aaregluhin!

◘◘◘

INALIS na ang liquor ban sa Pasay City.

Hik-hik-hik!

◘◘◘

NAGUGULO ang bansa sa komplikadong sistema sa pag-aalis ng lockdown.

Dapat simplehan na lang!

◘◘◘

URONG-SULONG ang gobyerno.

Laban-bawi sa lockdown.

He-he-he!

◘◘◘

KALMANTE na ang mga Pinoy.

Hinihintay ang mga susunod na wave ng relief at second wave ng virus!

◘◘◘

WALA nang badyet.

Paano pa ang mga biktima ng Bagong Ambo?

◘◘◘

PAANO ang mga tatamaan ng ordinaryong trangkaso?

COVID-19 na rin ‘yan?

◘◘◘

WALA nang balita sa sports.

Biktima rin sila ng COVID-19!

◘◘◘

WALA ring balitang-showbiz.

Nagha-hara-kiri na ang mga talents!

◘◘◘

ANO ang provisional franchise kung naka-tengga sa Korte ang kaso sa original na prangkisa?

Sino ba talaga ang may-ari ng ABS-CBN?

◘◘◘

MADADAMAY din daw ang ibang TV station.

Oh, e, ano ngayon?

Kapag lumabag din sila sa batas, aba’y siyempre—sarado din sila!

 
 

Silang mga “anak ng Diyos”.

‘Yan ang bansag ngayon sa mga “pasaway” na nagpapatupad ng ECQ, GCQ at MECQ.

Sila mismo ang sumusuway sa batas—nagpa-party at nag-iinuman ng beer!

◘◘◘

KUMALAT sa social media ang kahiya-hiyang litrato ng birthday party ni NCRPO Chief Debold Sinas.

Nagtatatwa siya sa mga larawang nagpapakita ng hindi pagsunod sa social distancing—at grabe ang “malayang pag-iinuman” ng beer!

◘◘◘

HINDI nalalayo si Sinas kay dating Senate President “Koko” Pimentel, kahit positibo sa COVID-19 virus—ay gumala at dumadalo sa mga party.

Nagpunta sa ospital kung saan—napuwersa ang mga medical personnel na magpa-quarantine at magpa-COVID-19 test!

◘◘◘

KAAWA-AWA ang mga inosenteng sibilyan na inaaresto at sinasaktan dahil sa paglabag sa quarantine.

Pero ang mismong hepe ng pulis ay lantarang lumalabag!

◘◘◘

NAG-SORRY lang si Sinas at umaktong abogado niya si PNP Chief Archie Gamboa na nangatwirang “surprise party” ang naganap na “manyanita” kuno.

Niloloko ni Gamboa ang taumbayan—dahil ang mga dumalo—siyempre ay mga pulis din na nag-manyanita “kuno” sa kanilang hepe!

◘◘◘

MALINAW na inamin at kinumpirma nina Sinas at Gamboa ang “espesyal na okasyon”.

Nakakahiya at nakakasuka ang ganitong klaseng “opisyales”.

Isipin mong dumaraing si P-Digong na hindi siya dumalo sa birthday ng kanyang anak at apo sa Davao dahil nais niyang sumunod sa “protocol”, pero ereng mga hepe ng pulis ay lantarang binabastos ang proseso!

◘◘◘

WALA nang moral ang pulisya na ipatupad ang “protocol” sa buong bansa dahil sa naturang okasyon.

Hindi na igagalang at kukutyain sila ng mamamayan na kanilang pinagmamalupitan!

◘◘◘

UPANG masagip sa kahihiyan at maigalang ang “protocol”, dapat magkusa sina Sinas at Gamboa na magbitiw sa posisyon.

Hindi mauuto o maloloko nina Sinas at Gamboa ang taumbayan—hindi bopol ang nag-aalimpuyong galit na mamamayan!

◘◘◘

NAGTITIIS na manahimik sa loob ng bahay ang 100 milyong Pinoy kasama si P-Digong, pero ang mga pulis ay nagpa-party at nag-iinuman.

Dapat humanap si P-Digong ng mas kagalang-galang na lider o hepe ng pulisya na siyang magpapatupad nang batas nang seryoso at walang halong pagkukunwari at pagsisinungaling!

◘◘◘

HABANG tumatagal ang isyu, lalong napapahamak ang iba pang opisyal at frontliners na seryoso at nagpapakahirap na ipatupad ang quarantine.

Kung seryoso sina Sinas at Gamboa na tulungan si P-Digong at ang mamamayan—dapat silang magsumite ng “courtesy resignation”.

Kailangan nilang magbitiw sa puwesto—kahit pakitang-tao lang!

◘◘◘

HINDI na effective leaders ang hepe ng PNP at NCRPO—nauunawaan kaya ito ni DILG chief Eduardo Año?

Maawa kayo sa libu-libong frontliners na ibinubuwis ang buhay—pero sinisira lang ng ilang lider ng Pambansang Pulisya!

 
 

Sa wakas, nagkapag-asa na makalabas ng bahay.

Salamat kay Lord!

◘◘◘

ANG mahalaga ay malaking bahagi ng bansa ay malaya na.

Pero, dapat pa ring maging maingat!

◘◘◘

HINDI lamang COVID-19 ang dapat iwasang makabalik, bagkus ay marami pang salot sa lipunan.

Isa sa mga ito ay ang pagbabalik ng mga kriminal sa kalye!

◘◘◘

UNANG babalik ang mga drug lord, gambling lord, prostitution lord at loan sharks.

Babalik din ang mga raketista at swindlers!

◘◘◘

BABALIK ang perhuwisyong trapik.

Babalik ang rasyon sa tubig.

Babalik ang mataas na presyo ng petrolyo at elektrisidad.

Babalik ang pagkakabaon sa utang ng mga Pinoy!

◘◘◘

MAGIGING pinakamagarbong eleksiyon ang 2022.

Matapos ang lockdown, magsisimula ang kampanya sa 2022 elections—sa nasyunal at lokal.

Nakaipon na ng campaign funds ang mga incumbent officials mula sa calamity fund, relief funds at SAP!

◘◘◘

MARAMI ang mare-re-elect na incumbent.

Sila lang ang may unlimited budget!

◘◘◘

PINAKAMARANGYA ang presidential election sa 2022.

Sangkatutak ang badyet ng bawat kampo—dalawang super power ang kani-kanilang financers.

Tsk-tsk-tsk!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page