top of page
Search

Erlinda Rapadas / Teka Nga

May dapat ipagpasalamat si Gabbi Garcia kay Andre Paras dahil ito ang nag-push at nagtiwala kay Gabbi sa kakayahan nitong maging singer. Batchmate bale sina Gabbi at Andre sa GMA Network. Marami silang shows na pinagsamahan sa Kapuso Network tulad ng prequel ng Encantadia, Sherlock Jr. at Pamilya Roces.

Natatandaan ni Gabbi ang sabi sa kanya ni Andre na, "Keep on singing, one day you'll gonna be on the center stage at kumakanta."

At nagkatotoo nga ito, dahil bukod sa acting, kumakanta na rin ngayon si Gabbi. At isa ring singer ang BF ngayon ng Kapuso actress na si Khalil Ramos na Kapamilya star naman. Natulungan siya ni Khalil upang mas karirin pa niya ang pagiging singer.

Kaya naman, happy si Andre Paras na natupad din ang pangarap ni Gabbi na maging singer.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Tulad ng ibang celebrities, mahilig sa bags ang Kapuso actress na si Kris Bernal. Kaya naman, hindi nakapagtataka na nagkaroon siya ng collection na limited edition ng luxury bags at ito ay ipinasilip niya sa kanyang latest vlog.

Taong 2004 pa nang magsimulang mangolekta ng luxury bags si Kris Bernal at sa tulong ng kapatid niyang si Kate, naitago nila ang ilang bags sa kanilang collection na may sentimental value at meron din 'yung most used bags.

Well, hindi biro ang halaga ng mga luxury bags na nasa collection ni Kris. Malaking halaga na rin ang nagastos niya rito. Napapasaya naman daw siya ng kanyang bag collection.

Pero, sey ng mga netizens, dapat ay nagagamit naman niya lahat ng kanyang bags na kinokolekta at hindi for display purposes lang. At mabuti na lang at business-minded na ngayon si Kris Bernal, sa negosyo na nag-i-invest sa halip na sa branded bags.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Nataranta na naman ang magkakapatid na Marlon, Bong, Rowena, Strike, Princess at Andeng Bautista (Revilla siblings) dahil ang kanilang ama na si Ramon Revilla, Sr. ay nahirapang huminga nu'ng nakaraang May 31 kaya isinugod sa St. Luke's Global sa Taguig.

Mang Ramon is 93 yrs. old na kaya naman alagang-alaga ng kanyang mga anak kapag ito ay nagkakasakit.

Si Sen. Bong ang higit sa lahat ay nag-aalala sa kalagayan ng kanyang ama kaya nanghingi ito ng dasal mula sa mga kaibigan at mga kapamilya.

Sa awa ng Diyos, muling naka-survive si Ramon Revilla, Sr. at stable na raw ang lagay nito ngayon, bagama't patuloy pa ring nanghihingi ng dasal ang pamilya sa mabilis nitong paggaling.

Sey ng mga netizens, gumana na naman ang 'agimat' o anting-anting ng daddy ni Sen. Bong kaya muling nakaligtas sa sakit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page