top of page
Search

ni Lolet Abania | October 9, 2021


ree

Pumanaw na si Commission on Human Rights chairman Atty. Jose Luis Martin “Chito” Gascon ngayong Sabado nang umaga sa edad na 57.


Sa Facebook post ng brother niyang si Miguel, kinumpirma nitong namatay na ang CHR chairman dahil sa COVID-19, bandang alas-6:30 ng umaga ngayong Oktubre 9.

“Sa dami mong Laban, sa COVID pa tayo na talo! ???????? Love you Kuya! RIP Chito Gascon,” post ni Miguel.


Naglabas naman ng official statement ang komisyon sa pagpanaw ni Gascon na ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, “At a time of unprecedented human rights challenges, Chair Chito courageously and steadfastly upheld the constitutional mandate of the Commission. Amidst the unrelenting attacks against the institution and to him personally, he was unwavering and unflinching in fighting for the universal values of freedom, truth, and justice that are essential in the pursuit of human rights.”


“The CHR will continue the human rights work with equal fervor and sincerity that Chair Chito exemplified in Chairman Chito's work,” dagdag pa ni De Guia.


Si Gascon ay naging CHR chairman simula noong 2015 matapos na i-appoint ng yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III.


Nagpahayag naman ng pakikiramay ang ilang pulitiko, mambabatas at matataas na opisyal ng gobyerno sa pagkamatay ng CHR chairman.


“Ngayong umaga, sinalubong ako ng napakalungkot na balita. Pumanaw na si Commission on Human Rights Chair Chito Gascon,” pahayag ni Vice President Leni Robredo.


“Nakikiramay ako sa kanyang asawa’t anak, sa buong staff ng CHR, at sa buong hanay ng mga nagtanggol sa karapatang pantao at patas at malayang lipunan. Sa trabaho niya at aktibismo, Chito touched many lives. He was a student leader, advocate, and mentor that so many looked up to. Noong estudyante ako sa UP, sa mga martsa namin laban sa diktatura, si Chito ang nanguna bilang Chair ng UP student council. Binuksan niya ang pinto para makilahok nang mas malalim ang napakarami sa demokrasya natin,” sabi pa ni Robredo.


“I am devastated to hear the news of Chito's death. He was not just a fellow public servant, he was also my good friend. Chito understood the valuable link between human dignity and democracy,” saad ni Senador Risa Hontiveros.


Nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ni Gascon sina Senador Koko Pimentel at Senador Richard Gordon sa biglaan nitong pagpanaw.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 22, 2021



ree

Nanawagan ang human rights at environmental group sa pamahalaan hinggil sa lumalaganap na climate crisis at COVID-19 pandemic, kasabay ng paggunita sa Earth Day 2021 sa ginanap na Pandesal forum kaninang umaga, Abril 22, sa Kamuning Bakery sa pangunguna nina Deputy Speaker Loren Legarda at Greenpeace Southeast Asia Executive Director Yeb Saño.


Ayon kay Saño, “The pandemic has shown us how much crises are making already challenging situations even worse for our communities already suffering food insecurity, dwindling livelihoods, and other impacts of the climate emergency. “


Dagdag pa niya, “An immediate and strong resolution from the CHR on the climate and human rights petition would provide a strong rallying point to protect humanity from further climate-destructive activities by entities that put profit over people and the planet. This will be the Filipino people’s legacy to the rest of the world.”


Paglilinaw naman ni Legarda, hindi na makababalik sa normal ang ‘Pinas, bagkus ay dapat pa iyon mahigitan upang maging ‘best normal’ sa pagtatapos ng pandemya.


Aniya, “No. We have to go back to the best normal. Mindful, consumption… This is a better normal.”


Ibinida rin ni Legarda ang mga likas na yaman sa bansa at iginiit niyang kulang lamang sa maayos na pag-i-implement ang pamahalaan upang magamit at mapangalagaan ang mga iyon. Nanawagan din siya para sa sapat na pondo at suporta mula sa gobyerno.


Batay pa sa datos ng Greenpeace, tinatayang 129 bilyong disposable face masks ang nakokolekta sa buong mundo kada buwan, kaya inirekomenda nila ang paggamit ng reusable face masks at personal protective equipment (PPE) upang mabawasan ang mga basurang nagko-contribute ng polusyon sa mundo.


Samantala, matatandaan ding nag-abiso ang Japan hinggil sa pagpapakawala nila ng mga tubig sa Fukushima nuclear plant na nagdulot ng agam-agam sa mga kritiko. Gayunman, nilinaw ni Legarda na ang gagawin ng Japan ay may basehan at nakatitiyak siyang pinag-aralan iyong mabuti ng mga eksperto.


Sa ngayon ay nakikiisa ang ‘Pinas sa pagdiriwang ng Earth Day 2021 at umaasa ang bansa sa pagkakaisa ng mga mamamayan upang mapangalagaan ang kalikasan.



ree


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 8, 2021



ree

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) sa pagpatay sa 9 na aktibista sa isinagawang raid ng security forces sa Calabarzon noong Linggo.


Ayon sa awtoridad, nagsagawa ng simultaneous raid upang maghain ng search warrant sa mga aktibista sa ilang lugar sa Calabarzon na sangkot diumano sa kasong "illegal possession of firearms.”


Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang insidente ay napapaloob sa hurisdiksiyon ng Administrative Order 35 Task Force at nakatakdang magsagawa ng pagpupulong sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Marso.


Samantala, magsasagawa rin ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa insidente. Pahayag ni Spokeswoman Jacqueline de Guia,


"Activists are not necessarily terrorists and there should be a differentiation between those who take up arms and those who merely exercise their constitutional right to form and join associations, organizations as well as petition the government for redress of its grievances.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page