top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 28, 2022


ree

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagkamatay ng isang pulis, kabilang ang nasawing drug suspek, sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Biga, Tanza, Cavite nitong nakaraang Abril 24.


Giit ng pangulo, kung nagkataong suspek lamang ang namatay sa insidente kamakailan, tiyak umanong lalabas na namang masama ang mga pulis at palalabasing salvage o sadyang pinatay ang suspek.


At dahil mayroon umanong miyembro ng kapulisan ang namatay sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad kontra-droga, nais ni Duterte na siyasatin ng CHR ang puno’t dulo ng insidente upang maging patas ang pagkilala ng hustisya sa bansa.


Paliwanag pa ng pinuno, mula nang magsimula ang kampanya ng kanyang administrasyon kontra-droga, madalas umano na ang hanay ng kapulisan ang nagiging dehado sa tuwing may napapaslang na drug suspek sa mga isinasagawang operasyon at palagi raw itong ‘big deal’ sa komite.


Samantalang kapag mga pulis naman aniya ang namamatay, hindi umano nagtatagal ang balita na mismong sa Kampo Crame lamang umiikot o kaya naman ay sa istasyong kinabibilangan ng nabiktimang pulis, na kalaunan ay kagyat ding nalilimutan ang pangyayari.


 
 

ni Lolet Abania | February 16, 2022



ree

Inanunsiyo ng Commission on Human Rights (CHR) ngayong Miyerkules ang pagtatalaga kay Commissioner Leah Tanodra-Armamento bilang bagong chairperson ng komisyon.


Papalitan ni Tanodra-Armanento si yumaong CHR chair Jose Luis Martin “Chito” Gascon, na nasawi dahil sa kumplikasyon dulot ng COVID-19 noong nakaraang taon.


Hindi na bago para kay Tanodra-Armanento ang CHR dahil siya ay commissioner sa ilalim ng kasalukuyan at Fifth Commission en banc.


Una nang nagsilbi ang bagong CHR chair nang limang taon sa Office of the Solicitor General (OSG) bilang isang associate solicitor, kung saan inasistehan niya ang mga solicitors sa mga habeas corpus cases nito.


Inilipat naman siya sa Department of Justice (DOJ) at mula sa pagiging State Prosecutor nagawa niyang umangat at maging Senior State Prosecutor mula 1991 hanggang 2003.


Noong 2003, si Tanodra-Armamento ay in-appoint bilang DOJ Assistant Chief State Prosecutor, kung saan pinamunuan niya ang legal panel ng Philippine government (GPH) sa panahon ng Review of the Final Peace Agreement’s Implementation sa pagitan ng GPH at ng Moro National Liberation Front (MILF).


Itinalaga rin siya bilang DOJ Undersecretary. Nagtapos si Tanodra-Armamento ng Bachelor of Laws degree mula sa Ateneo de Manila University School of Law.


Siya rin ay isang fellow ng Harvard University’s John F. Kennedy School of Government noong 2007. Ayon sa CHR, ang mga appointments ng mga kasalukuyang Commission en banc, gaya nina Commissioners Karen Gomez-Dumpit, Gwendolyn Pimentel-Gana, at Roberto Eugenio Cadiz, ay mag-e-expire naman sa Mayo 5, 2022.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 16, 2022


ree

Nagsagawa ng prayer vigil sa labas ng tanggapan ng Commission on Human Rights ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero (CHR) sa Quezon City ngayong Martes.


Nagsindi sila ng kandila, nagrosaryo at nagdasal na sana ay makita at makabalik na ang kanilang mga kaanak.


Naging emosyonal ang naturang prayer vigil dahil sa dasal na lamang umano kumakapit ang mga pamilya na ilang buwan nang nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.


Nanawagan naman ang mga pamilya kay Pangulo Rodrigo Duterte na tulungan silang mahanap ang kanilang mga kaanak. Anila pa, hindi sila mapapagod at patuloy silang lalapit sa iba't-ibang ahensiya ng gobyerno upang magpatulong na mahanap ang mga nawawalang sabungero.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page