top of page
Search

ni Lolet Abania | January 30, 2021



ree


Naglabas ng anunsiyo ang lokal na pamahalaan ng Manila sa pagkakansela sa lahat ng pagdiriwang na may kaugnayan sa Chinese New Year dahil sa COVID-19 pandemic.


Sa ilalim ng Executive Order No. 4, ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno, ang February 11 hanggang February 12 na selebrasyon ay magiging daan sa mabilis na pagmumulan at pagkalat ng nakahahawang COVID-19 kung hindi ito ikakansela.


“Hangga’t maaari, wala muna tayong mga activities that will encourage assembly of people in an area or public place. Kaya ‘yung ating mga dragon dance, ‘yung mga parada, huwag n'yo po munang gagawin,” ani Moreno.


Ipinagbawal din ng alkalde ang pagbebenta ng alak o alcohol sa Binondo Chinatown area sa panahon ng okasyon.


Gayundin, ang paggamit ng fireworks at pyrotechnic devices ay ipinagbawal. Aniya, “To ensure the health and safety of the public during the entire duration of the celebration of Chinese or Lunar New Year.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page