top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | July 19, 2024



MJ Lastimosa

Umabot na sa 16 katao ang namatay sa sunog sa isang shopping center sa timog-kanlurang bahagi ng China, ayon sa ulat ng state media. Natapos ang rescue operation para sa insidente bandang alas-3 ng madaling-araw noong Huwebes (1900 GMT Miyerkules).


Ipinakita sa video na inere ng state media CCTV at ibinahagi sa social media noong Miyerkules ng gabi, ang makapal na itim na usok na lumalabas mula sa 14-storey tower sa Zigong, lalawigan ng Sichuan.


Nasa 30 katao ang nailigtas mula sa gusali, at naapula ng mga rescuer ang sunog bandang alas-8:20 ng gabi noong Miyerkules, ayon sa CCTV. Hanggang alas-3 ng umaga noong Huwebes, umabot ang bilang ng namatay sa 16 at walang natitirang nakulong na tao sa loob, ayon sa Xinhua.

 
 

by Info @News | June 14, 2024



Showbiz Photo

Pinag-iingat ni Senador Francis 'Tol' Tolentino ang mga mangingisda at mga sundalong nagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas laban sa posibleng dagdag na panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).


Simula Hunyo 15, ipatutupad ng China ang bagong batas na nagbibigay permiso sa kanilang Coast Guard na manghuli at ikulong ng isang buwan ang sinumang tatapak sa itinuturing nilang teritoryo.


Kaugnay nito, ipinayo umano ng senador sa mga mangingisda at sundalo na huwag magpaaresto. “Ipagdasal natin ang ating mga sundalo at mangingisda laban sa walang tigil na paninikil ng China.


Sa Zambales at sa Palawan, at hindi lang 'yung sa BRP Sierra Madre,” diin ni Senador Tol. Dagdag pa ng mambabatas, dapat nang patibayin ang naval defense ng bansa para humarap sa mga ganitong panggigipit.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | June 7, 2024



File photo


Inihayag ng foreign ministry ng Vietnam noong Huwebes na lubos silang nababahala sa presensya ng isang Chinese survey vessel na Hai Yang 26 sa kanilang exclusive economic zone.


"Vietnam requests China to immediately cease its illegal survey activities in Vietnam's exclusive economic zone and continental shelf," anang foreign ministry spokesperson na si Pham Thu Hang.


Nasa Hainan sa China ang barkong Hai Yang 26 mula pa noong nakaraang buwan. Ito ang unang sasakyang eksklusibo ng China para sa geological surveys at reef research, na may 34 kataong tripulante at hanggang sa 3,500 nautical miles ang kayang lakbayin nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page