top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 10, 2021



Dumating na sa bansa ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan mula sa China ngayong Huwebes nang umaga.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Cebu Pacific flight mula sa Beijing na may dalang Sinovac vaccines kaninang alas-7:16 nang umaga.


Sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Secretary Vince Dizon ang sumalubong sa pagdating ng mga bakuna sa airport.


Samantala, mamayang gabi inaasahang darating sa bansa ang karagdagang 2 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 8, 2021



Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa Sinopharm COVID-19 vaccine ng China, ayon kay Director General Dr. Eric Domingo.


Matapos umanong i-review at pag-aralang mabuti ng mga eksperto ng FDA ang aplikasyon ng Sinopharm, inaprubahan nila ito noong Lunes.


Samantala, noong Mayo, inaprubahan ng World Health Organization (WHO) ang emergency use ng Sinopharm COVID-19 vaccine. Ito ang kauna-unahang bakuna na gawang China na inaprubahan ng WHO.


Bukod sa Sinopharm, aprubado na rin ng WHO ang emergency use ng Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson and Johnson, at AstraZeneca na gawang India at South Korea.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021



Patay ang anim na katao at 14 ang sugatan matapos mag-amok ang isang lalaking may dalang kutsilyo noong Sabado sa Anqing City, China, ayon sa awtoridad.


Ayon sa Anqing Public Security Bureau noong Linggo sa Weibo social network, naganap ang pag-atake ng isang unemployed na 25-anyos na suspek sa pedestrian shopping street dahil sa paglalabas umano nito ng galit bunsod ng problema sa pamilya.


Samantala, inaresto na ng Ministry of Public Security ang suspek at sa 14 sugatan, isa ang iniulat na malala ang kondisyon habang ang iba pa ay stable na ang kalagayan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page