top of page
Search

ni Lolet Abania | January 14, 2022



Pito lamang sa 10 indibidwal na nag-apply para sa COVID-19 vaccination certificate sa pamamagitan ng VaxCertPH portal ang maaaring makakuha ng sertipikasyon, dahil ito sa tinatawag na backlogs sa data uploading, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).


Paliwanag ni DILG spokesperson Jonathan Malaya sa isang interview na ilan sa mga local government units (LGUs) ay mas nakatutok sa kanilang vaccination program kumpara sa pag-update ng mga datos sa online portal.


“Dahil po dito, sa 10 taong nag-apply, pito lang ang may success. ‘Yung tatlo, no record found,” sabi ni Malaya. Payo ni Malaya sa mga hindi pa nakakakuha ng digital copy ng kanilang vaccination certificate na iprisinta muna ang kanilang vaccination cards sakaling mag-inspeksyon ang mga awtoridad sa kanila.


Kaugnay nito, maraming LGUs na ang nagpasa ng mga ordinansa hinggil sa pagpapatupad ng restriksyon sa mga hindi pa bakunadong indibidwal.


Gayundin, tsini-check ng mga awtoridad ang mga vaccination cards ng mga indibidwal na lumalabas. Ilang services din, gaya ng public transport ay nagre-require na ng vaccination cards bago pa makasakay.


Matatandaang noong Nobyembre, binanggit ni DILG Secretary Eduardo Año na ang immunization record ng gobyerno ay nananatiling mayroong 10 million gaps sa mga entries nito.


Hinimok naman ng Malacañang ang mga LGUs na madaliin na ng mga ito, ang encoding ng mga vaccine recipients’ information sa verification database system ng bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 18, 2021





Nilinaw ng Public Information Office (PIO) - Benguet Emergency Operations Center (EOC) na ang mga non-authorized persons outside residence (non-APORs) na nais magpunta sa Baguio City ay kailangan pa ring magpakita ng medical clearance na na-issue noong February 1 hanggang sa kasalukuyan.


Sa inilabas na Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba at Tublay (BLISTT) border control announcement ng PIO - Benguet EOC, anila, ang exempted lamang sa medical clearance requirement ay ang mga working authorized persons outside residence (APORs) ngunit kailangan nilang magpakita ng company ID/Certificate of Employment, atbp. patunay na sila ay nagtatrabaho sa naturang lugar.





Saad ng PIO - Benguet EOC, “Working APORs are exempted from the medical clearance requirement provided they present their company ID/Certificate of Employment or any proof of work in the city.” Matatandaang nag-post kamakailan ang PIO - Benguet EOC sa kanilang Facebook page ng anunsiyo kung saan anila, “Look | Medical clearance will no longer be required when entering Baguio City effective February 16, 2021, the Mayor’s Office of La Trinidad confirms.


Kalakip nito ang larawan kung saan mababasang: “ANNOUNCEMENT “MEDICAL CLEARANCE NO LONGER REQUIRED WHEN ENTERING THE CITY OF BAGUIO EFFECTIVE FEBRUARY 16, 2021.”


Ngunit paglilinaw ng PIO - Benguet EOC, “For Non-APORs, medical clearance issued from February 1 to present shall be valid for the duration of the border restriction.”


Anila pa, “For travels within the Province of Benguet (not passing through the city), only an accomplished Health Declaration Form is required at the checkpoints.”


Pahayag naman ng Mayor’s Office – La Trinidad Facebook page, kailangang magpakita ng government/company ID o certificate of employment “or any proof of work in Baguio City” ang mga APORs. Sa mga Non-APORs naman, anila, “For Non-APORs, going to or passing thru Baguio City- Medical Clearance issued from February 1 onwards shall be VALID for the whole duration of the border restriction.”


Dagdag pa nila, “For travels within Benguet (not passing thru Baguio City) – accomplished Health Declaration Form (HDF).


“For Entry to La Trinidad – Accomplished HDF or Valid ID.” Sa mga may katanungang nais magpunta sa Baguio City, saad ng PIO – Benguet EOC, tumawag lamang sa hotlines: 0999-678-4335; 442-1900; 442-1901; 442-1905.


At para naman sa “Benguet concerns” kontakin lamang ang hotlines: 0951-858-8752; at 0947-486-1339.


Samantala, extended ang border restriction sa Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba, at Tublay (BLISTT) simula ngayong araw, February 18 hanggang 28, 2021, ayon sa PIO - Benguet EOC.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page