top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 27, 2023




Naharang ng mga otoridad ang isang sasakyan ngayong Lunes na pinaniniwalaang ginamit bilang getaway vehicle ng mga magnanakaw sa Cebu City.


Nangyari ang pagnanakaw sa isang pawnshop na may tinatayang P4 milyon hanggang P5 milyon ang halaga ng alahas na nakuha noong Sabado, Nobyembre 25.

Isang pulang Honda City sedan ang sasakyan na nahuli bandang alas-4 ng madaling-araw ngayong Lunes sa kasagsagan ng province-wide dragnet operation sa Brgy. Lamacan na hindi bababa sa 50 kilometro ang layo mula sa Colon St. kung saan matatagpuan ang Oro Sugbo Pawnshop and Jewelry Store.


May dalawang pasahero ang sasakyan na kasama sa apat na itinuturing na POIs.

Natagpuan din ang iba't ibang uri ng baril sa loob ng kotse.


Ipinaliwanag ni Police Col. Dalogdog na natukoy ang sasakyan bilang isang posibleng getaway vehicle nang mahuli sa isang security camera ang isa sa mga suspek na sumasakay sa kotse habang sila'y tumatakas.


Tumanggi naman si Dalogdog na ilabas ang pagkakakilanlan ng mga POIs habang hinihintay pa ang follow-up operations.

 
 

ni Lolet Abania | June 9, 2022



Isang executive order ang inisyu ni Cebu Governor Gwen Garcia hinggil sa pagbawi sa mandato ng pagsusuot ng face mask sa mga open spaces sa lalawigan.


Sa Executive Order 16 na inisyu nitong Miyerkules, ayon kay Garcia ang mga face masks ay kakailanganin na lamang sa mga closed at air-conditioned areas.


“The use of face masks shall be optional in well-ventilated and open spaces,” nakasaad sa order.


Gayunman aniya, ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat, ubo o runny nose ay required pa rin na magsuot ng mask kapag aalis ng kanilang bahay. Binanggit naman ni Garcia na ang pag-improve ng probinsiya sa sitwasyon ng COVID-19, ang dahilan kaya pinaluwag na ang mandato ng face mask.


“Other countries, including Singapore, have already directed the wearing of masks and other personal protective equipment be optional in outdoor settings,” ani Garcia sa kanyang order.


Batay sa latest health bulletin na ini-release ng Central Visayas health office, nakapag-record ang Cebu ng average na 36 kaso ng COVID-19 kada araw mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, habang tinatayang 4 milyong mamamayan sa rehiyon ay fully vaccinated na.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mandatory na paggamit ng face masks ang magiging anila, “last to go” o huling aalisin sa transition ng bansa sa new normal.


Marami na ring beses na hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang probinsiya na sumunod sa national mandates ng COVID-19 response.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021



Kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR o antigen test ang mga biyahero mula sa Bohol at Negros Oriental at Occidental na pupuntang Cebu simula ngayong araw, Hunyo 14 hanggang sa July 24, ayon sa lokal na pamahalaan.


Ayon sa Cebu Provincial Government, kailangang isagawa ang RT-PCR test sa loob ng 72 oras bago ang biyahe papuntang Cebu at ang rapid antigen test naman ay kailangang isagawa 48 hours bago bumiyahe.


Ayon naman kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ito ay ipinatupad bilang pag-iingat dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Bohol at Negros.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page