top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 21, 2021



Mayroong mensahe si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga mananamoalataya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari (Christ The King).


"Nawa’y iluklok nating Hari si Kristo sa lahat ng aspeto ng ating buhay, lipunan, simbahan, tahanan, pamahalaan, pulitika, ekonomiya at kultura," pahayag ni Cardinal Advincula.


May panawagan din ang arsobispo sa nalalapit na 2022 national and local elections.


Iginiit ng Kardinal ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat botante sa paghalal ng mga karapat-dapat na pinuno ng bayan. Hamon niya sa mga mamamayan na piliin ang katotohanang hatid ng Panginoong Kristong Hari sa pagpili ng mga mamumuno ng lipunan na may pagpapahalaga sa dignidad ng nasasakupan at pagsusulong ng kabutihang panlahat.


"Panalangin ko na mamayani sa ating lipunan ang paggalang sa dignidad ng tao kabutihang pangkalahatan, katarungang panlipunan at pagmamahalan at natatanging pagkiling sa mga dukha," giit ni Cardinal Advincula.


"Pananawagan ko’y bumuo tayo ng “Circles of Discernment” upang marinig at masunod natin ang Banal na Kalooban ng Diyos; panalangin ko rin ay pumasok tayo sa isang masusing pag-aaral ng mga programa at plataporma ng bawat kandidato, suriin at balikan natin ang ating kasaysayan at matuto sa mga aral nito," ani ng cardinal.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 10, 2021



Inilunsad na ng simbahang Katolika ang mobile app para matugunan ang "new normal" sa pananampalataya.


Ito ang ‘FaithWatch’ app kung saan maaaring manood o makinig ng mga misa na pang-Katoliko.


Gamit ang FaithWatch app, maaaring hanapin sa smartphone ang pinakamalapit na simbahan, malaman ang mga oras ng misa roon, at masabayan ang mga naka-livestream.


Maaari ring magbasa ng Gospel reflections at balitang simbahan at magpadala ng mga Mass intention.


Ayon sa Media Office ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nasa likod ng proyekto, layon ng app na matulungan ang mga Katolikong maging aktibo sa pananampalataya at maengganyo rin ang mga hindi deboto.


“It wishes to reach out to the ‘unchurched’ populating social media through vlogs and other contents produced and formatted with ‘missio ad gentes’ (mission toward all people) in mind,” ani CBCP Media Office director Msgr. Pedro Quitorio III sa isang pahayag.


Kasama ng CBCP sa pag-develop ng app ang Areopagus Communications Inc. at ang Heart of Francis Foundation.


Plano rin nilang i-update ang app para maisama ang schedule ng mga sacrament at pagdasal ng rosaryo.


Maaaring i-download ang FaithWatch app sa mga Android at iOS phones.

 
 

ni Lolet Abania | March 2, 2021



Nakalabas na ng ospital sina Cebu Archbishop Jose Palma at retiradong Auxiliary Bishop Antonio Rañola, ayon sa report na nai-post sa website ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).


Sina Palma at Rañola ay dumating sa tahanan ng mga Archbishop bandang alas-5:00 ng hapon kahapon matapos na manatili sa ospital ng 10 araw kung saan sila ay sumailalim sa gamutan kontra sa COVID-19.


Sa isang video message, nagpahayag ng labis na pasasalamat ang arsobispo sa lahat ng medical workers na gumamot sa kanila at mga nagdasal para sa agaran nilang paggaling.


“It’s nice to be home to resume our duties and ministries,” ani Palma. Gayundin, ang prelate ay humiling ng panalangin para sa iba na nananatiling may sakit at sa mga namatay dahil sa COVID-19.


“For us who are given another opportunity to continue our ministry, we say praise God,” sabi pa niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page