top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 27, 2022



Sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon, papayagan na muling magpahid ng abo sa noo ng mga mananampalatayang Katoliko para sa Ash Wednesday sa Marso 2.


Sa guidelines na inilabas nitong Sabado, sinabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ibabalik na nito ang nakasanayang pagpapahid ng abo sa noo sa kabila ng COVID-19 pandemic


“The formula for the imposition of ashes Repent, and believe in the Gospel, or Remember that you are dust, and to dust you shall return is said only once applying it to all in general. We will revert to the imposition of ashes on the forehead of the faithful,” ayon sa guideline, na pirmado ni CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairman Bishop Victor Bendico.


“The sprinkling of ashes on the crown will remain an option. We have been reminded last year that this option is an opportunity to catechize our people on both the penitential and baptismal characters of the Lenten season,” dagdag pa nito.


Matatandaang hindi nagsagawa ng Ash Wednesday rites noong 2020 at 2021 dahil sa pandemya.


Sa halip na pahiran ng abo na pa-krus sa noo, ang abo ay ibinudbod na lamang sa ulo ng mga mga mananampalataya.


Kung magsasagawa naman ng religious processions, sinabi ng CBCP na kailangan ay coordinated ito sa local government at barangay officials.


“We limit the route of processions through roads or streets that will allow greater possibility for social distancing," pahayag ng CBCP.


"Procession marshals are necessary to maintain the safe distance of the participants of the processions,” dagdag pa nito.


Hindi rin inirerekomenda ang paggamit ng “carosas” o “andas” na binubuhat ng mga tao dahil malalabag umano ang social distancing.


Payo ng CBCP, isakay na lamang ang mga imahen sa sasakyan, imbes na buhatin.


Samantala, maaari ring mag-organisa ng “Pabasa” basta masusunod ang health protocols.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 21, 2022



Nagbabala sa publiko ang Catholic Diocese of Naval nitong Linggo hinggil sa mga scammer na nagso-solicit ng mga donasyon gamit ang pangalan ni San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda.


“Please be aware that someone is using the name of Bishop Marvyn Maceda, Bishop of San Jose de Antique in soliciting an amount for a chalice to be used in an ordination,” ayon sa Facebook post ng diocese.


“There is no such ordination and this is a scam. Please be careful,” dagdag pa nito.


Noong 2020, nagbabala na rin ang Catholic Bishops ‘ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko hinggil sa mga scam na ginagamit ang pangalan ng ilang bishop sa panonolisit ng pera.


Pinaalalahanan nito ang publiko na maging mapanuri at laging i-double check sa concerned bishop o sa chancery nito kung lehitimo ang natanggap na request.

 
 

ni Lolet Abania | February 1, 2022



Itinalaga ni Pope Francis ang isang pari mula sa Archdiocese ng Manila bilang kanyang representative sa Rwanda, ayon sa isang report na nai-post sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).


Si Monsignor Arnaldo Catalan, 55, ay naglingkod sa Diplomatic Service of the Holy See sa loob ng nakalipas na 20 taon at nagsilbi bilang Chargé d’affaires ng Apostolic Nunciature sa China mula pa noong 2019.


Ang appointment ni Msgr. Catalan bilang bagong Apostolic Nuncio to Rwanda ay ipinahayag sa publiko nitong Lunes, Enero 31 at nai-publish din ng Holy See Press Office.


Labis naman ang pasasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kay Pope Francis dahil sa aniya, “gift and honor and considers the appointment of Archbishop-elect Catalan as historic being the first priest of the Archdiocese of Manila to become a Nuncio.”


“He greets the new archbishop in the name of the clergy, religious men and women, and the laity of the Archdiocese and assures him of their support and prayers as he takes on this new mission,” dagdag ni Cardinal Advincula.


Pinalitan ni Msgr. Catalan si Archbishop Andrzej Józwowicz na nai-tranfer sa Iran noong Hunyo 2021.


Si Fr. Catalan ay na-ordain sa priesthood noong Marso 1994 at pumasok sa Holy See Diplomatic Service noong Hulyo 2001. Mula noon, nagsilbi na siya sa Apostolic Nunciatures sa Zambia, India, Kuwait, Turkey, Argentina, Canada, at sa Pilipinas.


Sa ngayon, wala pang nakuhang detalye hinggil naman sa episcopal ordination ni Msgr. Catalan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page