top of page
Search

ni Lolet Abania | July 8, 2021


ree

Itinalaga si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).


Ayon sa report ng CBCP news site, si David ay nahalal sa naganap na kauna-unahang 2-araw na online plenary assembly ng mga bishops.


Bago pa ang kanyang tungkulin ngayon, si David, 62-anyos ay nagsilbi bilang CBCP vice-president simula noong December, 2017 at nakasama si CBCP outgoing President Archbishop Romulo Valles.


Kilala bilang isa sa mga nangunguna sa bansa na mga Bible scholars, si David ay na-ordain na pari sa Archdiocese ng San Fernando noong 1983.


Noong 2006, na-appoint siyang auxiliary bishop sa pareho ring archdiocese kung saan naglingkod si David ng nasa 14 na taon, habang inilipat siya sa Caloocan diocese noong January 2016.


Gayundin, dating naging chairman ng CBCP’s Episcopal Commission on Biblical Apostolate si David.


Si David ay isa ring matapang na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa drug war nito, kaya madalas siyang kastiguhin ng pangulo dahil ginagamit umano niya ang pulpito para atakihin ang administrasyon.


Samantala, si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang nahalal na CBCP vice-president. Na-ordain bilang priest noong 1990, si Vergara ay miyembro ng CBCP Permanent Council. Dati siyang chairman ng Episcopal Commission on Social Communications.


Sina David at Vergara ay magsisimula ng kanilang termino sa December 1, 2021. Ang mga CBCP officials ay mayroong 2-taon tenure na paglilingkod o may kabuuang apat para sa second term nito.


 
 

ni Lolet Abania | June 10, 2021


ree

Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle, ang kasalukuyang prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples or Propaganda Fide, sa isa pang posisyon sa Holy See.


Sa nai-post ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Cardinal Tagle ay miyembro na ngayon ng Congregation for the Eastern Churches, isang Vatican body na bahagi ng Propaganda Fide.


Ayon sa CBCP, ang appointment ay hindi biglaang ginawa ng Pontiff.


Ang Congregation for the Eastern Churches ay sumusuporta sa Eastern Catholic na mga simbahan sa buong mundo at nagbibigay din ng assistance sa Latin-rite Catholic dioceses ng Middle East.


Nakikipagtulungan din ang naturang Congregation sa tinatayang 23 Eastern Catholic churches at komunidad, para sa iba pang gawain upang masigurong mauunawaan ang pagkakaiba sa aspeto ng liturgy at spirituality.


Bukod sa dalawang posts na ito, si Cardinal Tagle ay miyembro rin ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at ng Administration of the Patrimony of the Apostolic See, kung saan ayon sa CBCP post ay nag-o-operate gaya ng central bank ng Vatican.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page