top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 16, 2021


ree

Tinatayang aabot sa 3.4 milyong benepisyaryo sa Metro Manila ang nakatanggap na ng cash aid o ayuda.


Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Jonathan Malaya ngayong Biyernes, naipamahagi na ang P3.4 billion sa mga benepisyaryong lubos na naapektuhan ng ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) Plus bubble.


Saad pa ni Malaya, “Gumanda na po, bumilis na po ‘yung ating pamimigay ng ayuda. Sa NCR po, 3.4 million beneficiaries na po ang ating nabigyan ng ayuda which is equivalent to P3.4 billion.”


Aabot sa 22.9 milyong benepisyaryo ang target ng pamahalaan na mabigyan ng ayuda sa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.


Ang naturang ayuda ay nagkakahalagang P1,000 kada tao ngunit hindi hihigit sa P4,000 sa kada pamilya na nawalan ng hanapbuhay nang ipatupad ang ECQ noong March 29 hanggang April 11.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 7, 2021



ree

Sinimulan nang i-distribute ang P1,000 na cash assistance sa mga indibidwal na naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus, batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Abril 7.


Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, "We have full trust on our local chief executives, on our local government units that they would be able to distribute the assistance to their constituents within the prescribed period."


Kabilang ang Maynila, Parañaque at Caloocan sa mga nagsimulang mamahagi ng ayuda sa nasasakupang barangay.


Paliwanag pa ni Dumlao, nu’ng nakaraang linggo pa nila hiningi sa bawat local government unit (LGU) ang listahan ng mga benepisyaryo.


Aniya, "This serves as a reference to the local government units. They still have the full discretion in identifying who will be identified and prioritized, provided of course they would follow adhere to the provisions of the guidelines where it was stipulated that priority will be given to low-income sector, including of course the beneficiaries of SAP."


Tinatayang 15 araw ang ibinigay na palugit ng Department of Budget and Management (DBM) sa bawat LGU upang ipamahagi ang cash na ayuda at 30 days naman kung in-kind goods ang ipamimigay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page