top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 15, 2021


ree


Suspendido nang 6 na buwan ang certification to operate at pinagmulta rin ng P10,000 dahil sa quarantine violation ng Department of Tourism (DOT) ang City Garden Grand Hotel (CGGH) sa Makati City na pinagdausan ng party ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera at mga kaibigan nito noong Bagong Taon.


Ayon sa DOT, ang naturang hotel “was found to have misrepresented itself to the public as being allowed to accommodate guests for leisure or staycation purposes despite being a quarantine facility.”


Sa Administrative Order No. 2020-002-C ng DOT, nakapaloob na hindi maaaring tumanggap ng mga guests para sa leisure purposes ang mga hotel na ginagamit bilang quarantine facilities.


Paglilinaw naman ng DOT, "CGGH has the right to appeal within the period prescribed by the DOT rules and regulations.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 5, 2021


ree


Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na kung hindi susuko sa loob ng 72 oras ang mga suspek na hinihinalang nanghalay sa 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera na natagpuang patay sa kanyang hotel room sa Makati nu'ng Bagong Taon ay gagamit sila ng puwersa upang mahanap ang mga ito.


Aniya, “This is a fair warning. Surrender within 72 hours or we will hunt you down using force if necessary. “We know who you are. Your family must turn you over to the police. Those found to be abetting your escape will also be arrested.”


Una nang sinabi ng PNP na nasa kanilang kustodiya na ang 3 sa mga suspek sa pagkamatay ni Dacera at nahaharap sa kasong rape with homicide at siyam pa sa mga ito ang hinahanap ng awtoridad.


Siniguro naman ng PNP na makakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Dacera.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page