top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 15, 2021


ree

Bibigyan ng permanent residency ng pamahalaan ng Canada ang mahigit 90,000 foreign students at workers, ayon sa Immigration minister ng naturang bansa noong Miyerkules.


Epektibo ang naturang programa sa May 6 at sakop nito ang mga manggagawang may 1 year work experience sa health care o iba pang essential sectors katulad ng grocery store cashiers at shelf stockers, truck drivers at farm workers at mga estudyante at graduate students na nakakumpleto ng “post-secondary degree within the last four years.”


Ayon kay Immigration Minister Marco Mendicino, ito ay makatutulong upang makamit ng Canada ang target na 400,000 immigrants ngayong taon.


Aniya pa, “The pandemic has shone a bright light on the incredible contributions of newcomers.


“These new policies will help those with a temporary status to plan their future in Canada, play a key role in our economic recovery and help us build back better.


“Your status may be temporary, but your contributions are lasting — and we want you to stay.”


 
 

ni Thea Janica Teh | December 12, 2020


ree

Mananatiling sarado hanggang January 21, 2021 ang pinakamahabang border sa buong mundo sa pagitan ng Canada at United States dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Prime Minister Justin Trudeau nitong Biyernes.


Una na itong isinara noong Marso upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa parehong bansa. Pinapayagan lamang ang pagtawid dito sa pagkalakal ng pagkain, merchandise at essential travel.


Ikalawang wave na ng COVID-19 infection sa Canada na may kabuuang bilang na 450,000 nitong Biyernes.


Samantala, ang US naman ang nangunguna sa buong mundo sa 15.7 milyong kaso ng virus at 300,000 namatay.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 10, 2020


ree

Inaprubahan na ng Canada ang paggamit ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine noong Miyerkules. Saad ng Health Canada, "The data provided supports favourably the efficacy of Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine as well as its safety.


"The efficacy of the vaccine was established to be approximately 95 percent. The vaccine was well tolerated by participants and has no important safety concerns. The benefit-to-risk assessment for Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine is considered favourable."


Pahayag ni Canadian Deputy Chief Public Health Officer Howard Njoo, “At last we have a reason to feel optimistic and excited about returning to the lives we led pre-COVID.”

Paalala naman ni Prime Minister Justin Trudeau, “It doesn’t mean we can let our guards down.”


Samantala, naaprubahan man, hindi pa rin sigurado kung gaano katagal ang efficacy ng Pfizer vaccine kaya magsasagawa pa rin umano ng "risk management plan" ang Health Canada upang ma-monitor ang tagal ng bisa nito at makakalap ng iba pang data para rito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page