top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021


ree

Natagpuan sa dating residential school para sa mga indigenous children ang 215 bangkay ng mga bata sa Canada noong Biyernes.


Ayon sa Tk’emlúps te Secwépemc community, ang mga bata ay estudyante ng Kamloops Indian Residential School sa British Columbia at natagpuan umano ang bangkay ng mga ito sa tulong ng ground-penetrating radar specialist.


Pahayag ni Tk’emlúps te Secwépemc Chief Rosanne Casimir, “This past weekend, with the help of a ground penetrating radar specialist, the stark truth of the preliminary findings came to light — the confirmation of the remains of 215 children who were students of the Kamloops Indian Residential School.


“To our knowledge, these missing children are undocumented deaths.”


Noong 19th century nagsimula ang operasyon ng Kamloops Indian Residential School na isa sa pinakamalalaking paaralan sa Canada.


Noong 2015, sa inilabas na ulat ng Truth and Reconciliation Commission ng Canada, napag-alaman na puwersahang inihiwalay sa kanilang pamilya ang libu-libong indigenous children.

Nakaranas din umano ng physical, sexual, at emotional na pang-aabuso ang mga bata sa ipinatupad na sistema ng edukasyon sa naturang residential school.


Pahayag naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, “The news that remains were found at the former Kamloops residential school breaks my heart – it is a painful reminder of that dark and shameful chapter of our country’s history. I am thinking about everyone affected by this distressing news. We are here for you.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 24, 2021


ree

Nabakunahan na kontra-Coronavirus disease si Canada Prime Minister Justin Trudeau gamit ang AstraZeneca COVID-19 vaccine noong Biyernes.


Sa Ottawa pharmacy nagpabakuna si Trudeau kasama ang kanyang misis na si Sophie.


Inirerekomenda sa Canada ang AstraZeneca sa mga edad 40-45, ngunit ayon sa government health advisory ng naturang bansa, safe rin ito sa mga 30-anyos pababa.


Saad ni Trudeau, “As Ontario has invited people 40 and over to receive the AstraZeneca vaccine in pharmacies, it is now our turn.


“It is a relief to know that this simple gesture helps to protect oneself, but especially to protect those we love around us.”

Panawagan din ni Trudeau sa mga mamamayan, “So, if it is also your turn, I invite you to make an appointment as soon as possible.”


Samantala, apat ang iniulat na nakaranas ng pagbaba ng platelets at pagkakaroon ng blood clotting o pamumuo ng dugo matapos maturukan ng AstraZeneca ngunit mga naka-recover din, ayon sa Health Canada.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 20, 2021


ree

Maaari nang mag-apply para sa permanent residency ang mga Filipino caregivers at iba pang essential workers sa Canada simula sa May 6, ayon sa embassy ng Ottawa sa Manila ngayong Martes.


Tweet ng Canadian Embassy in the Philippines, “Good news for caregivers in Canada! The announcement… to accelerate processing for caregivers with an application in process recognizes that many caregivers working in Canada are waiting to be reunited with their loved ones while their applications are being processed.”


Aabot sa 90,000 temporary workers at international graduates ang maaaring magsumite ng aplikasyon sa Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC), ayon sa pamahalaan ng Canada.


Ayon sa IRCC, tatanggap sila ng 20,000 applications para sa “temporary workers in health care,” 30,000 applications para sa “temporary workers in other selected essential occupations,” at “40,000 applications for international students who graduated from a Canadian institution.”


Ang aplikasyon ay hanggang sa November 5 o hanggang hindi pa napupuno ang slot, ayon sa IRCC.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page