top of page
Search

ni Jeff Tumbado | November 14, 2021


ree

Absuwelto na sa isinampang kaso sa Sandiganbayan si dating Caloocan City 2nd district Congresswoman Mitch Cajayon-Uy.


Sa 92-pahinang desisyon ng Sandiganbayan second division, acquitted na si ex-Congresswoman Cajayon sa mga kasong 2 counts ng graft na may kinalaman sa malversation of public funds at falsification of public documents.


Idinawit ang dating mambabatas sa umanoy maling paggamit ng sampung milyong pisong pondo mula sa priority development assistance fund o PDAF noong siya pa ang kongresista sa Caloocan noong 2009.


Sa isang press conference sa Quezon City, ilang beses na naiyak ang dating mambabatas dahil sa loob aniya ng halos anim na taon ay labis na naapektuhan ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang dalawang mga anak na pawang mga menor de edad.


Ikinatuwa ni Cajayon ang unanimous at patas na desisyon ng anti-graft court na nagbase lamang sa mga ipinresintang ebidensya.


Giit ni Cajayon-Uy, vindicated na siya sa isang political persecution na inihain laban sa kanya noong 2015, panahon ng Aquino administration.


Si Cajayon-Uy ay kabibitiw lamang sa puwesto bilang executive director ng Council for the Welfare of Children ng DSWD at tumatakbong muli bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Caloocan City.

 
 

ni Lolet Abania | August 30, 2021


ree

Naglabas ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na agad magsagawa ng contact tracing sa Caloocan City matapos dagsain ng mga nag-uusyoso ang naganap na hostage-taking kamakailan.


Matatandaang nitong Biyernes nang gabi, naganap ang pangho-hostage ng isang lalaki na nasa impluwensiya umano ng droga sa isang 12-anyos na batang lalaki sa C3 Road, Caloocan City .


Nasagip naman ang bata ng mga awtoridad habang nakakulong na ang suspek.


Gayunman, kitang-kita sa video na dinumog ng mga tao ang hostage-taking incident na hindi alintana ang pandemya.


Agad namang kinordon ang lugar habang sinabihan na lumayo at pinaaalis ng mga pulis ang mga tao na nasa crime scene.


Ikinabahala ito ng DILG kaya ipinag-utos ng ahensiya ang agarang contact tracing sa lugar.


"Nagkaroon ng unnecessary mass gathering kaya dapat ay tutukan ‘yan ng barangay at baka magkaroon ng transmission diyan lalo na Delta variant,” ani DILG Secretary Eduardo Año.

 
 

ni Lolet Abania | August 25, 2021


ree

Ipinahayag ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ngayong Miyerkules na nagpositibo siya sa test sa COVID-19 subalit aniya, mabuti naman ang kanyang kondisyon.


“Ikinalulungkot kong ipabatid na ako ay nakumpirmang positibo sa COVID -19,” ayon sa Facebook post ni Malapitan. Tiniyak naman ni Malapitan sa mga residente ng Caloocan na ang city government ay patuloy sa kanilang mandato at responsibilidad para tugunan ang pangangailangan ng lungsod.


Ayon sa mayor, patuloy din niyang imo-monitor ang siyudad sa pamamagitan ng iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan. Pinayuhan naman ni Malapitan ang mga naging close contact niya na sumailalim sa swab testing na aniya ay libre sa naturang lungsod at mag-self-quarantine.


Sinabi pa ni Malapitan na ang mga natukoy na indibidwal ay kailangan lamang makipag-ugnayan sa City Health Department o sa Barangay Health Center ng Caloocan. Maaari silang tumawag sa COVID-19 hotlines sa 09668274519 o 09478834430 ng lungsod.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page