top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 17, 2022


ree

Nagpositibo sa COVID-19 sina Cagayan Governor Manuel Mamba at asawa nitong si Mabel at kasalukuyang naka-confine sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) nitong Linggo.


Sa kanyang video message na ibinahagi ng Cagayan Provincial Information Office, sinabi ni Mamba na na-swab silang mag-asawa noong Biyernes, January 14.


Sa kanilang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-CPR) tests ay lumabas na sila ay positibo sa Covid noong Sabado, January 15.


Naka-confine ang mag-asawa sa isang isolated room sa CVMC dahil parehong may comorbidities, hypertensive and diabetic. Ang kaso nila ay mild lamang.


Parehong fully vaccinated ang gobernadora at kanyang may bahay at nakatanggap na rin ng booster shots.


Pinaalalahanan din ni Mamba ang kanyang close contacts na mag-isolate.


“We seek patience from you for not being able to answer your calls and texts as we are confined. Please pray for us,” ani Mamba.


Si Mamba ay kumakandidato sa kanyang ikatlo at huling termino laban kay Dr. Zarah Lara, habang ang kanyang asawa na isang abogado ay tumatakbo laban kay incumbent Rep. Joseph Lara, asawa ni Zarah, bilang third district representative.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021


ree

Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation sa Baggao, Cagayan bilang pag-iingat sa inaasahang epekto ng bagyong Maring.


Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDDRMC), nasa 72 pamilya o katumbas ng 224 indibidwal ang inilikas sa naturang bayan na kasama sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 2.


Patuloy naman ang evacuation o paglilikas sa iba pang munisipalidad at patuloy ang pangangalap ng datos ng NDRRMC hinggil dito.


Samantala, dahil sa sama ng panahon ay wala nang suplay ng kuryente sa lahat ng barangay sa Sta Ana, Cagayan simula kaninang hatinggabi.


Nagbaba na rin ang NDRRMC ng mga paalala at protokol sa mga apektadong rehiyon.

 
 

ni Lolet Abania | August 24, 2021


ree

Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang isa sa mga delegado para sa Miss Universe Philippines 2021 crown.


Nai-share ni Gianne Asuncion ng Cagayan Province ang balita sa kanyang Instagram nitong Lunes, habang nag-post ng isang video ng sarili na nakakabit sa kanya ang isang IV at oxygen machine.


Ang beauty queen ay dumaranas ng pneumonia.


“I went silent for days. With the discovery of being COVID positive with pneumonia, I didn’t know how to react. I didn’t know what’s the next that could happen,” caption ni Gianne.


“But you see, this fear of the unknown can’t stop me. It might be hard, but all I know is I will heal. I will get better. Tuloy ang laban,” dagdag niya.


Nagpasalamat naman siya sa kanyang mga mahal sa buhay, ang Team Cagayan, at kanyang Aces at Queens family.


Noong nakaraang linggo, inianunsiyo ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) na si Gianne Asuncion ay isa sa Top 50 delegates na napabilang para sa susunod na round ng kompetisyon.


Isa rin si Gianne sa 15 queens na nanguna sa competition's Video Introduction challenge.


Sa ngayon, hinihintay pa na mag-isyu ng statement ang MUPO hinggil sa health status ni Asuncion.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page