top of page
Search

ni Lolet Abania | May 17, 2022


ree

Nakapagtala ng 5.1-magnitude na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na malapit sa Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan ngayong Martes ng hapon.


Alas-4:42 ng hapon nai-record ang lindol na tectonic ang pinagmulan at may lalim na 16 kilometro. Ang epicenter ay natagpuan na nasa 31 kilometro southeast ng Dalupiri Island.


Naramdaman naman ang pagyanig at naitala ang Intensity IV sa Calayan, Cagayan; Intensity III sa Pasuquin, Bacarra at Laoag City, Ilocos Norte, at Sanchez Mira, Cagayan; Intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte; Intensity II sa Laoag City, Ilocos Norte at Claveria, Cagayan; at Intensity I sa Gonzaga, Cagayan.


Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naiulat na pinsala matapos ang lindol subalit asahan na magkaroon ng mga aftershock

 
 

ni Lolet Abania | February 13, 2022


ree

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang malayong baybayin ng Cagayan ngayong Linggo ng tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Sa ulat ng PHIVOLCS, alas-12:36 ng Linggo ng tanghali, Pebrero 13, naitala ang lindol.


Matatagpuan ang epicenter ng pagyanig sa layong 19.17°N, 121.07°E - 016 km N 64° W ng Dalupiri Island sa munisipalidad ng Calayan.


Ang lindol ay tectonic na may lalim na 36 kilometers.


Batay sa ahensiya, naramdaman ang Intensity V sa Calayan; Intensity IV naman sa Pasuquin, Ilocos Norte, at Intensity II sa Paoay, gayundin sa Ilocos Norte.


Ayon pa sa PHIVOLCS wala namang inaasahan at naitalang pinsala subalit babala ng ahensiya sa publiko na posibleng magkaroon ng mga aftershocks.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 25, 2022


ree

Lumobo na sa 3,385 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Cagayan matapos makapagtala ng 317 bagong kaso noong Linggo, ayon sa datos ng lokal na pamahalaan.


Sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), nakapagtala ang probinsiya ng 9 deaths at 344 recoveries. Ang mga namatay ay mula sa Tuguegarao, at sa bayan ng Solana, Santa Teresita, Amulung at Baggao.


Sa Tuguegarao, nasa 1,912 ang akitbong kaso ng COVID-19 matapos madagdag ang 189 bagong kaso noong Linggo.


Tanging ang bayan ng Calayan ang nananatiling Covid-free sa ngayon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page