- BULGAR
- Dec 24, 2020
ni Thea Janica Teh | December 24, 2020

Isang cement mixer ang sumabit sa power line sa kahabaan ng CAA Road sa Las Piñas na dahilan ng pagbagsak ng poste sa dalawang sasakyan at isang tricycle ngayong Miyerkules.
Kumalat ang kuha ng isang netizen sa social media at makikita ang pagsabit ng cement mixer na dahilan upang mahila at lumiyab ang kable.
Makikita rin na patuloy na umaandar ang cement mixer kahit na sumabit na ito sa kable kaya naman natangay nito at natumba ang tatlong poste na bumagsak sa ilang sasakyan.
“Noong dumadaan kami, biglang may bumagsak na poste ng Meralco, tapos pagbagsak, sumunod na ‘yung poste ng mga cable wire.
‘Yung kotse namin, ‘yun ang napuruhan. Nabigla kami,” ayon sa isang motoristang nakakita sa insidente. Samantala, wala namang naitalang nasugatan sa nangyaring insidente.




