top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 3, 2021


ree

Tatlo ang patay at apat ang sugatan matapos silaban ng isang pasahero ang bus habang binabaybay ang Mlang sa Cotabato ngayong Huwebes, bandang alas-4 nang hapon.


Ayon kay Mlang Disaster Risk Reduction and Management Officer Bernardo Tayong, hindi pa nakikilala ang tatlong pasaherong nasawi sa insidente.


Aniya pa sa isang radio interview, “They were trapped.”


Ayon sa awtoridad, pagmamay-ari ng Yellow Bus Lines (YBL) ang naturang bus at habang nasa biyahe patungong Tacurong City, Sultan Kudarat, nagbuhos umano ng gasolina ang isang pasahero sa sahig at sinilaban ito gamit ang disposable lighter at kaagad tumalon sa pinto.


Nagtamo naman ng serious burns ang apat pang pasahero na isinugod sa ospital ng mga rumesponde.


Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.


Hindi pa rin malinaw sa ngayon kung nahuli na ang suspek.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 17, 2021



ree

Patay ang 45 katao na lulan ng pampasaherong bus sa Madhya Pradesh, India ngayong Martes nang umaga matapos itong mahulog sa 30-feet deep na kanal, ayon sa awtoridad.


Tinatayang aabot sa 60 katao ang sakay ng bus at hindi pa natutukoy ng awtoridad ang dahilan ng pagkahulog nito mula sa tulay. Pitong katao naman ang kumpirmadong ligtas kabilang na ang driver ng bus.


Pahayag ni District Police Superintendent Dharamveer Singh, "We have so far found 37 bodies and they have been sent for autopsy. Search and rescue operations are underway.”


Gumamit ng mga rescue boats at life jackets ang State Disaster Response Force (SDRF) sa isinagawang search and rescue operations.


Nakuha ang pitong katawan mula sa kanal at may isang babae na naisugod pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay. Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan diumano ng kontrol ang driver ng bus bago nahulog sa kanal.


Ipinatigil naman ni Madhya Pradesh Chief Minister Shivraj Singh Chouhan ang lahat ng gawain sa state capital kabilang na ang cabinet meeting upang matutukan ang insidente.


Aniya pa, "The entire state is standing with those affected." Samatala, ipinag-utos ni Prime Minister Narendra Modi na bigyan ng 200,000 rupees ($2,750) ang pamilya ng mga nasawi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page