top of page
Search

ni Lolet Abania | June 29, 2021


ree

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology Region XI (BJMP XI) na shabu ang nasa loob ng bola ng basketball na natagpuan sa compound ng Davao City Jail sa Male Dormitory.


Sa isang pahayag ng pamunuan ng BJMP XI, nakasamsam sila ng nasa 21 gramo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa mga sachets na nasa loob ng bola ng basketball na tinatayang P300,000 ang halaga.


Sa ulat, habang nagsasagawa ng regular jail activity noong Sabado, narinig ng duty searchers ang malakas na kalabog ng bola mula sa bubong ng jail facility.


Gumulong pa ito sa bubong saka bumagsak malapit sa searching area. Lumalabas na punit ang naturang bola ng basketball, kung saan may laman sa loob nito habang dinikitan ng electrical tape ang bahaging may punit.


Sa naging instruction ng warden, agad na ininspeksiyon ng officer na naka-duty ang bola at nadiskubre ang 6 na sachets ng puting crystalline substance na nakumpirmang methamphetamine o shabu.


Ayon sa BJMP XI, hinihinalang ang bola ay ibinato mula sa bakanteng lote sa kabilang bahagi ng konkretong pader sa harap ng dormitory, subalit sumabit ito sa net na sadyang inilagay para maharang ang katulad na taktika.


Gayunman, ang insidente ay nai-report na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang beripikasyon at tagging, habang nai-turnover na rin sa kanilang kustodiya ang hinihinalang shabu.


Patuloy namang iniimbestigahan ng BJMP XI ang sinumang lumabag at tumanggap ng naturang items.


Sa nangyaring insidente, mas pinaigting na ng BJMP ang mga security measures habang agad na aarestuhin ang mahuhuling magpupuslit ng anumang kontrabando sa loob ng jail facility.


“The BJMP will continue to be vigilant in securing our facilities to assure that all Persons Deprived of Liberty under our care will be detained according to the standards set about by the laws,” sabi pa ng BJMP.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 28, 2021



ree

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magbababa sa minimum height requirements ng mga aplikanteng pulis sa Philippine National Police (PNP) at iba pang uniformed personnel.


Nakasaad sa Republic Act 11549, ang bagong minimum height requirements para sa lalaking aplikante ay 1.57 meters at sa babae nama’y 1.52 meters. Magiging epektibo ang bagong requirement makalipas ang 90 days na pagpirma sa batas.


Kabilang din sa uniformed personnel na nabanggit ay ang mga aplikante sa Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP), at Bureau of Corrections (BuCor) o ang PNP, BFP, BJMP, and BuCor Height Equality Act.


Ang mga naging pagbabago ay mula sa dating height requirements na 1.62 meters para sa lalaking aplikante at 1.57 meters naman sa babaeng aplikante.


Sa ngayon ay mas marami na ang puwedeng makapag-apply dahil sa pinababang height requirements.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page