top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 3, 2021



ree

Nadagdagan na ang mga pinapayagang makapasok sa bansa simula nu’ng ika-1 ng Mayo, ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval.


Aniya, kabilang sa mga pinapayagan na ngayon ay ang mga estudyante, empleyado at residente na may valid visa at existing immigrant at non-immigrant visa.


Kailangan lamang nilang magpa-book nang mas maagang accommodation para sa kanilang quarantine, kung saan kailangan din nilang sumailalim sa COVID-19 test sa ika-6 na araw ng pagku-quarantine.


Giit pa ni Sandoval, "'Yung mga turista po, 'di pa po muna natin mapapayagan. Para makapasok po sila, they would need to secure an exemption from the Department of Foreign Affairs."


Nilinaw din niyang bawal pa rin makapasok sa ‘Pinas ang mga biyahero galing India.


Nananatili namang limitado sa 1,500 katao ang mga puwedeng pumasok sa bansa kada araw.


Sa ngayon ay patuloy pa ring ipinatutupad ang travel restrictions, quarantine classifications at health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at mga bagong variants nito.

 
 

ni Lolet Abania | April 23, 2021



ree

Sisimulan na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa kanilang 1,250 personnel ngayong weekend.


Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga empleyado ng BI ay tuturukan ng inilaan ng gobyernong Sinovac vaccine.


Una rito, magsasagawa muna sila ng review ng medical history sa bawat empleyado upang matukoy kung sino ang maaaring tumanggap ng vaccine.


“We have scheduled vaccination of our eligible employees on a weekend so as not to hamper our daily operations,” ani Morente.


“The continuous rise of COVID-19 cases accentuates the need to vaccinate our frontliners, especially those belonging in the most vulnerable groups such as the seniors and persons with comorbidities. We want to assure their safety from the threat of the deadly virus,” dagdag ni Morente.


Ayon sa ahensiya, tinatayang nasa 300 empleyado ng BI ang tinamaan ng COVID-19.


“Our frontliners are one of the most exposed and have a high risk in contracting the highly transmissible virus. As such, we will continue to make sure that all health protocols are being followed,” ayon kay BI Deputy Commissioner Aldwin Alegre.


“I am confident that as our officers get their jabs, we will be able to carry out our mandate better and with less worry,” sabi pa ni Alegre.


 
 

ni Lolet Abania | April 22, 2021



ree

Timbog ang 32 dayuhan na nagtatrabaho umano sa isang illegal gambling company sa Pasay City.


Huli sa akto ng Bureau of Immigration (BI) ang 32 Korean, Chinese at Indonesian habang subsob ang mga ito sa kanila umanong online pasugalan.


Nabatid na walang mga working visa at pawang mga tourist visa lamang ang gamit ng mga naarestong dayuhan.


“Nakita po that there is illegal live studio gambling. Meron pong mga table talaga kung saan may gambling na nagaganap. Nagkaroon ng ilang araw na surveillance at noong na-determine na totoong merong mga illegal aliens na nagtatrabaho sa opisinang ito, nag-issue si Commissioner (Jaime) Morente ng isang mission order para ma-implement ang arrest sa mga illegal aliens,” ani BI Spokesperson Dana Sandoval.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung kailan pumasok sa bansa ang mga nahuling dayuhan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page