top of page
Search

ni Lolet Abania | July 8, 2021


ree

Sumiklab ang sunog sa isang tirahan sa Barangay Zone 4, Atimonan, Quezon ngayong Huwebes nang umaga.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Atimonan, itinaas sa ikatlong alarma ang naturang sunog.


Agad na rumesponde ang mga bumbero mula sa Gumaca, Unisan at Lucena City.


Sa ulat, pasado alas-10:00 ng umaga nagsimula ang sunog habang mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa sa kahoy ang malaking bahagi ng bahay kasabay ng malakas na hangin, at magkakadikit ang mga tirahan sa lugar.


Agad namang nagbayanihan ang mga residente ng Atimonan, kung saan nagtulung-tulong sila para punuin ng tubig ang isang fire truck na naubusan.


Dalawang bahay ang labis na naapektuhan ng sunog at hindi na gumapang ang apoy sa ibang bahay.


Bandang alas-12:00 ng tanghali nang ideklarang under control ang sunog habang alas-12:20 ng hapon naman idineklarang fire out.


Patuloy pang inaalam ng BFP Atimonan ang naging sanhi ng sunog at halaga ng natupok na ari-arian.


Wala namang nasawi sa sunog subalit dalawa ang naiulat na nasugatan. Magbibigay naman ng tulong ang local government unit (LGU) ng Atimonan sa mga nasunugan.


 
 

ni Lolet Abania | June 30, 2021


ree

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Parañaque City ngayong Miyerkules nang hapon.


Sa initial na report ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Metro Manila, nasunog ang ilang bahagi ng BF Homes kung saan itinaas ito sa unang alarma nang ala-1:45 ng hapon.


Itinaas naman sa ikatlong alarma ang sunog bandang alas-2:29 ng hapon.


Habang isinusulat ito, patuloy ang mga kawani ng BFP sa pag-apula sa apoy sa BF Homes sa Parañaque.

 
 
  • BULGAR
  • Jun 18, 2021

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 18, 2021


ree

Nasunog ang isang mall sa Bgy. 8, Bagumbayan Bridge, San Jose, Antique noong Huwebes nang hapon.


Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Bureau of Fire Protection (BFP), sa ikalawang palapag ng Gaisano Grand Mall nagsimula ang apoy at mabilis na kumalat sa unang palapag.


Umabot sa general alarm o pinakamataas na alarma ang sunog at mahigit dalawang oras ang nakalipas bago ito nakontrol.


Wala naman umanong naitalang namatay o nasugatan sa insidente at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsala sa insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page