top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 12, 2021


ree

Nagtamo ng 3rd degree burn ang isang 35-anyos na lalaki matapos sumiklab ang sunog sa MJ Fort Construction sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Miyerkules nang gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Ayon sa BFP, kaagad na isinugod sa St. Luke's Medical Center ang biktima.


Bandang alas-7:30 PM tinatayang nagsimula ang sunog at idineklara namang fire out na bandang 9:35 PM.


Saad ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, "Initially po, ang inire-report po sa atin ay mukhang noong nagdi-drill po, may tinamaan na gas pipe, so hindi po siya gas leak, gas explosion. May nag-trigger po.


"Habang nagdi-drill, may tinamaan, may naamoy and then later on, noong lumapit ang isang safety officer, doon po nangyari ang explosion.”


Wala naman umanong iba pang establisimyentong nadamay sa sunog.

 
 

ni Lolet Abania | August 1, 2021


ree

Nasawi ang magkapatid na babae matapos na ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Matnog, Sorsogon nitong Sabado nang gabi.


Ayon sa mga awtoridad, ang magkapatid ay nasa edad 18 at 11 na namatay habang sugatan ang kanilang nanay nang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Tablac ng nasabing lugar.


Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Matnog, Sorsogon, mabilis na sumiklab ang apoy malapit sa main door ng bahay kaya hindi agad nakalabas at na-trap ang magkapatid sa loob.


Sinabi pa ng BFP, maaaring dahil sa nakasinding kandila na nakalagay malapit sa mga nakahilerang galon ng gasolina sa kusina ng bahay ang naging sanhi ng sunog.


“Ang nangyari po, parang nagsalin ng gasolina ‘yung nanay. Tapos parang natalsikan ‘yung kandila, kaya nagkaroon ng explosion,” ani Senior Fire Officer 2 Ronnie Anonuevo ng BFP-Matnog. Gayundin, apat na bahay pa ang nadamay sa nangyaring sunog.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2021


ree

Nagpositibo sa COVID-19 ang 68 trainees ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Baguio City, ayon kay Mayor Benjamin Magalong ngayong Linggo.


Una nang kinausap ni Magalong si Philippine National Police PNP Chief Guillermo Eleazar na itigil ang pagsasagawa ng training sa siyudad dahil hindi umano nasusunod ang ilang health protocols.


Saad pa ni Magalong, “Ipinahinto ko. Sabi ko sa kanya, stop muna lahat ng training ng PNP dito sa siyudad ng Baguio.” Aniya, hindi nasusunod ang physical distancing kapag nagte-training at pagkatapos umano ng ilang activities, inaalis ng ibang trainees ang kanilang face mask.


Kung magpapatuloy umanong malalabag ang mga ipinatutupad na health protocols sa Baguio, hindi na papayagan ni Magalong na magsagawa pa ng mga PNP trainings sa siyudad. Aniya pa, “They have to follow ‘yung policy namin dito sa Baguio.”


Kinausap din umano niya si BFP Chief Gen. Jose Embang, Jr. upang suspendihin din ang mga training sa siyudad dahil sa naganap na hawahan ng COVID-19 sa training site. Saad pa ni Magalong, “Buong training ng PNP at BFP, hinto muna indefinitely hanggang makita ko talaga na ‘yung kanilang mga ginagawa ay compliant with our public health standards.”


Mabilis naman umanong umaksiyon sina Eleazar at Embang at kakasuhan diumano ang mga consistent violators. Samantala, ayon sa Public Information Office ng Baguio City, ang naitalang 68 positive cases ay mula sa “pool of 130 trainees for a 58 percent positivity rate.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page