top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 2, 2022



Walo katao kabilang ang dalawang bata at sanggol ang nasawi matapos sumiklab ang apoy sa residential area sa Village A, Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City ngayong Lunes nang umaga, kung saan ang anim sa walong namatay ay natagpuan umano sa iisang kwarto.


Batay sa ulat, nagsimula ang sunog bago mag-alas- 5:00 nitong umaga, na agarang kumalat sa mga kabahayang pawang gawa sa light materials, kaya agad itong itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ikalawang alarma.


Pasado alas-6:00 ng umaga nang makontrol ang pagkalat ng apoy at idineklarang naapula ang sunog bandang alas-7:00 ng umaga.


Tinatayang aabot sa kabuuang 250 pamilya ang naapektuhan ng sunog kung saan 80 kabahayan ang naiulat na nasunog.


Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog, habang tinutukoy pa ang halaga ng mga gamit na nasunog.


 
 

ni Lolet Abania | February 9, 2022



Patay ang mag-ina matapos na ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Quezon City, ngayong Miyerkules ng madaling-araw.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog bandang alas-5:00 ng madaling-araw sa unang palapag ng bahay ng mga biktima sa 11th St. corner Victoria St., Barangay Mariana, Quezon City.


Hindi na nakalabas ng kuwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay ang 67-anyos na nanay at 42-anyos na anak niyang babae.


Nakaligtas naman ang kasambahay ng mga biktima nang makalabas ito mula sa nasusunog na bahay.


Natupok din ang dalawang nakaparadang sasakyan ng mga ito. Itinaas naman sa unang alarma ang sunog habang naapula ang apoy ng alas-6:20 ng umaga, ayon pa sa BFP.


Patuloy na inaalam ng BFP ang dahilan at halaga ng pinsala matapos ang sunog.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 5, 2022



Sumiklab ang sunog sa Russian Embassy sa Barangay Dasmariñas, Makati City nitong Biyernes ng gabi, February 4, 2022.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag na bahagi ng gusali.


Itinaas ang unang alarma bandang 8:25 p.m. at ikalawang alarma bandang 8:42 p.m.


Naapula ang sunog bandang 9:38 p.m.


Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page