top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 28, 2021



ree


Nakumpiska ang mahigit P30 milyon halaga ng mga pekeng sigarilyo at makina sa paggawa nito sa magkasunod na operasyon ng pulisya at mga tauhan ng Bureau of Customs sa Orion, Bataan nitong Sabado nang gabi, Pebrero 27.


Ayon sa ulat, tinatayang P20 milyon ang nasabat sa unang operasyon at sa follow-up operation naman ay nagkakahalagang P10 milyon na mga pekeng sigarilyo at kagamitan ang nakuha sa sinalakay na bodega.


Matatandaang noong Miyerkules ay mahigit P9 milyon halaga ng mga pekeng sigarilyo ang nasabat din sa Bataan kung saan 400 master cases ng Marvels, D&B, Mighty at Tomon cigarettes na karga ng trailer truck ang naharang sa checkpoint ng 2nd Provincial Mobile Force Company at ng Limay Municipal Police Station, kasama ang kinatawan ng Philip Morris Fortune Tobacco Corp., at Japan Tobacco Inc..


Paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Rights ang ikinaso sa mga nahuli.

 
 

ni Lolet Abania | February 11, 2021



Winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang puslit na luxury cars na umabot sa mahigit P45 milyong halaga sa Port of Cebu.





Ang mga smuggled luxury vehicles, kabilang na ang isang sasakyang Bentley, ay tinangkang ipuslit upang hindi makapagbayad ng karampatang buwis.


Kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Customs, ang sampung mamahaling SUV at kotse ay sinira ng crane ng ahensiya sa nasabing lugar, kung saan nagkakahalaga ang lahat ng ito ng P45.243 milyon.


"We are doing this to prevent smugglers from circumventing the law by attempting to acquire these vehicles through the auction process," pahayag ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez sa naganap na okasyon.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 17, 2021




Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P1.5 million halaga ng smuggled medicines sa isang storage facility sa Pasay City noong Sabado.




Sa tulong ng National Bureau of Investigation, ayon sa BOC, nadiskubre ang makeshift clinic at nakumpiska ang mga naturang gamot kabilang na ang ribavirin, ginagamit na panggamot sa pneumonia at bronchitis noong January 14.


Hinala ng awtoridad, ginagamit ang naturang clinic para sa COVID-related cases.


Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon at posible umanong maharap sa kasong paglabag sa Section 1113 of R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang mga nasa likod ng operasyon ng naturang clinic.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page