top of page
Search

ni Lolet Abania | June 18, 2021




Aabot sa 21 mamahaling sasakyan ang sinira ng Bureau of Customs (BOC), kabilang na ang isang McLaren 620R na nagkakahalaga ng P33 million sa Port Area, Manila at Cagayan de Oro Port ngayong Biyernes.


Ayon sa mga opisyal ng BOC, ininspeksiyon nilang mabuti ang mga sasakyan bago nila ito winasak sa headquarters ng ahensiya. Nasa pitong mga luxury cars sa Port Area, habang may 14 na gamit nang Mitsubishi Jeeps naman sa Cagayan de Oro Port ang magkasabay na winasak ng BOC dahil sa misdeclaration at hindi pagbabayad ng tamang buwis.




Sa report, hindi umano idineklara sa mga dokumento ang totoong brand ng mga kotse at kung saan ito gawa. Gayundin, dahil ‘misdeclared’ ang mga luxury cars, P3 milyon lamang ang buwis na babayaran sana ng mga importer sa halip na P35 hanggang P40 milyon dapat.


Ayon kay Vincent Maronilla, spokesperson ng BOC, mula sa mga winasak na mamahaling sasakyan, nadiskubre nila ang ganitong paraan ng pagpasok nito sa bansa matapos ang ginawang X-ray inspection.


Aniya, hindi umano tumutugma ang mga deskripsiyon sa papeles at sa mga detalye na lumalabas sa X-ray visual ng mga sasakyan. Sa ngayon, wala pang tugon mula sa mga importers para linawin ang kanilang mga papeles habang hindi pa rin nakikipag-ugnayan ang mga ito sa BOC.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021



Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang smuggled cigarettes na tinatayang aabot sa halagang P38 million sa Manila International Container Port (MICP) noong Hunyo 11.


Sa isinagawang physical examination, natagpuan ang 1,090 master cases ng sigarilyo na may brand na Marvel, Mighty at Astro.


Saad pa ng BOC, “The shipment was consigned to GREEN NATURE ALLIANCE VENTURES and was subjected to 100% physical examination by the Formal Entry Division (FED), with members of the Enforcement and Security Service (ESS) and CIIS as witnesses.”


Samantala, naghain na ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga nasa likod ng naturang shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA) at National Tobacco Authority (NTA).


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021



Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 2,520 reams ng sigarilyo na tinatayang aabot sa halagang P4 million na idineklarang paper hand towels, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ayon sa BOC, bound for Australia ang naturang reams ng sigarilyo.


Saad pa ng BOC, “Records show that the shipment was commissioned for export by a local company based in Novaliches, Quezon City, to South Geelong Victoria, Australia.”


Napag-alaman umano na ang idineklarang paper hand towels ay mga sigarilyo sa isinagawng physical examination ng Trade Control Examiner.


Pahayag pa ng BOC, naghain na rin ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga sangkot sa naturang shipment sa paglabag sa Section 1400 (Misdeclaration) at Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) in relation to Section 117 (Regulated Importation and Exportation) of the Customs Modernization and Tariff Act.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page