top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021



Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 99 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras simula alas-5 nang umaga kahapon hanggang alas-5 AM ngayong Sabado at nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 3.


Naitala rin ng PHIVOLCS ang 90 volcanic tremors na may habang 1 hanggang 11 minuto.


Patuloy pa ring naglalabas ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide (SO2) ang bulkan at noong Biyernes, umabot ito sa sukat na 6,574 tonelada.


Umaabot naman sa taas na 1,200 meters ang steam-rich plumes mula sa main crater ng Bulkang Taal.


Samantala, ipinagbabawal pa rin ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”


Paalala rin ng PHIVOLCS sa publiko, manatiling alerto dahil posible umanong maganap ang: “Biglaang malakas na pagsabog, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, pag-ashfall, at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 12, 2021



Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 185 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras simula alas-5 nang umaga kahapon hanggang alas-5 AM ngayong araw.


Ayon sa PHIVOLCS, patuloy pa rin ang Bulkang Taal sa pagbuga ng volcanic sulfur dioxide at steam-rich plumes na may taas na aabot sa 1,500 meters.


Babala rin ng PHIVOLCS ngayong nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal, “Sa kalagayang ito, ang magma na nanunuot sa main crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog.


“Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na ang Taal Volcano Island o TVI ay isang permanent danger zone (PDZ) at pagpasok sa TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel ay dapat na maigting na ipagbabawal dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung sakaling magkaroon ng malakas na pagputok.”


Ipinagbabawal din ng PHIVOLCS ang pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal dahil sa posibleng ashfall at vog at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.


Saad pa ng PHIVOLCS, “Maging laging handa sa posibleng evacuation kung sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2021



Nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal at ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), patuloy itong naglalabas ng steam-rich plumes.


Naitala ng PHIVOLCS ang “74 volcanic earthquakes kabilang ang 61 volcanic tremor na may habang 1 hanggang 25 minuto” sa nakalipas na 24 oras simula alas-5 nang umaga kahapon hanggang alas-5 nang umaga ngayong Linggo.


Ayon sa PHIVOLCS, umaabot sa 1,000 meters ang taas ng steam-rich plumes o pagsingaw mula sa main crater ng bulkan. Naitala rin ng PHIVOLCS ang sulfur dioxide flux (SO2) na umaabot sa 6,488 tonnes/day noong Sabado.


Samantala, patuloy na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang “Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel, pamamalagi at pagpalaot sa lawa ng Taal, at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page