top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | October 26, 2025



BULGARY - APO NI EX-PRES. QUEZON KAY ECHO_ SINALAULA N’YO ANG ALAALA NG AKING LOLO_FB Ricky Avancena

Photo: FB Ricky Avancena



Binabatikos ngayon ang direktor na si Jerrold Tarog at ang aktor na si Jericho Rosales ng apo ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na si Ricky Quezon-Avanceña.

Sa isang special screening ng movie ni Echo ay nagkaroon ng Q&A para sa ikatlong pelikula ng Bayaniverse trilogy na Quezon.


Isa sa mga naroroon ay ang apo ng dating presidente na si Ricky.

Tanong ng apo, “Was it a political satire?”

“Oo,” pagkumpirma ni Tarog.


Sinundan ito ni Avanceña ng, “So nagbibiro ka lang pala?” na agad namang nilinaw ng direktor.


Sagot ni Direk Jerrold, “Hindi, seryoso ang paksa.”


Giit pa ni Tarog, “Ipapaubaya namin sa madla ang pagpapasya kung ito ay isang bagay na gusto nilang iproseso.”


Biglang sabi ng apo ng dating presidente, “Sinalaula ninyo ang alaala ng aking lolo.”

Hindi na napigilan ni Jericho na makialam. Sinabi ng aktor na payagan ang iba pang miyembro ng audience na magtanong, pero humingi ng mas mahabang panahon si Avanceña para sabihin ang kanyang pagtutol.


“Teka lang, Echo, hindi pa ako tapos, eh,” pagpupumilit ni Ricky.


“With all due respect, Sir, I understand your feelings but this is a Q&A for everyone. We are giving everyone a chance because everyone—,” agad na pagputol ni Jericho sa sinasabi ni Ricky Avanceña.


Sabat ni Ricky, “Hoy, Pare! Pakinggan mo ako.”

Sinubukan pa ni Echo na magpaliwanag.


Aniya, “We’re gonna listen to you but there is a space and time.”

Pagsingit uli ni Ricky, “Uy! Jericho, ‘wag mo ‘kong ganyanin, ah. Umupo ka, patapusin mo ako. One minute, I’m done.”


Sinubukan ng production team na bawasan ang tensiyon at tinanong ang iba pang audience kung meron silang ibang mga katanungan. 


Kasunod nito, iginiit pa rin ni Avanceña na binuksan ng pelikula ang ‘Pandora’s box’ kaya hayaan siyang magsalita at saka binatikos ang produksiyon sa pagsira sa alaala ni Quezon.


Bago tapusin ang kanyang pahayag, sinabi ni Avanceña na sinisiraan ng mga filmmakers at ng mga miyembro ng cast ang kanilang pamilya para sa komersiyal na pakinabang.


Wika nito, “Hindi ninyo alam ang ginawa n’yo. Dahil kayo, gusto ninyong kumita ng pera. Gusto ninyong sumikat. Sinalaula ninyo ang alaala ng isang pamilyang nagbuwis ng buhay. Mahiya kayo!”


Kalaunan, sa social media, nilinaw ni Avanceña na hindi niya hinihimok ang mga tao na iwasan ang pelikula ngunit nanawagan sa publiko na panoorin ito at samahan siya sa pagtatanggol sa karangalan ng kanyang lolo online. 


Binigyang-diin niya na ang dating Pangulong Manuel L. Quezon ay hindi lamang isang bayani kundi ‘the best ever most incorruptible’ president.


Naku po! Sana hindi na bumangon pa si dating Presidente Quezon sa kanyang

kinahihimlayan dahil sa gusot na nangyari sa kanyang biofilm.

In fairness naman sa aktor na si Jericho Rosales, ang galing niya bilang si Quezon sa movie.



NAGSALITA na si Gabbi Garcia hinggil sa pambu-bully online.

Aniya, “Throwing hate, bullying, trolling, and bashing online can cause a deep and lasting toll on a person. This will NEVER be okay.”


Hindi raw ito normal at hindi dapat i-tolerate. 

“Many people are already silently struggling with personal battles we don’t see,” aniya.


Idiniin din niya na imposibleng malaman ang tunay na emosyonal na kalagayan ng isang tao sa likod ng screen.


Ayon pa sa aktres, malaki ang nagiging damage sa mental health ng mga tao ng cyberbullying.


“The effects on mental health are real — anxiety, depression, self-doubt, and sometimes even irreversible decisions,” wika niya.


“It’s time to break this cycle of hate,” patuloy ng aktres na hinihikayat ang lahat na itigil ang pagpapalaganap ng negativity.


Ginamit niya ang kanyang social media platform for kindness, not division.

“Imagine if we used these platforms not to tear each other down, but to lift each other up, with compassion, empathy, and understanding…” pakli pa niya.


Maraming artista ang nagpahayag ng mga ganitong sentimyento nang dahil sa pagkamatay ng anak na babae ni Kuya Kim Atienza na si Emman. 


Winakasan niya ang sariling buhay dahil na rin sa matinding bashing na naranasan niya mula sa mga netizens, especially sa mga DDS (diehard Duterte supporters) kung saan nakatanggap siya mula sa mga ito ng death threats nang dahil sa political stance niya.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | October 24, 2025



Grabe raw sa taping…
KAILA, CHARLIE, SUE AT JANELLA, PINASAKIT ANG ULO NG 2 DIREKTOR

Photo: Kaila Estrada, Charlie Dizon, Sue Ramirez, at Janella Salvador



Pinasakit umano nina Kaila Estrada, Charlie Dizon, Sue Ramirez, at Janella Salvador ang ulo ng kanilang dalawang direktor sa seryeng What Lies Beneath (WLB)

Ito ang muling pag-apir ni Charlie sa serye matapos nilang makasal ni Carlo Aquino. 


Nilinaw naman ng aktres na may mga nagawa na rin siyang ibang projects bago ang WLB, pero hindi pa raw naipapalabas.


Sey naman ni Sue, “Napakahirap ‘pag kaibigan mo ‘yung mga kaeksena mo. Grabe, ‘pag kaming apat na magkakasama, you can ask our directors, sumasakit ‘yung ulo nila sa amin. Tawa kami nang tawa. 


“It just goes to show how much we enjoy what we’re doing, how excited we are together and actually do scenes together. I’m so happy to be working with all of these girls.”


Agree naman si Janella sa ibinulgar ni Sue, “Talagang nagbabatuhan kami ng energy. Ang sarap-sarap pala na nagsusuportahan kami, na magagaling lahat ng kasama mo. Nagpo-flow lang nang maganda ‘yung emotions, ‘yung energy. Ang sarap makaeksena ‘yung tatlong ‘to, kahit na mahirap.”


Pakli naman ni Charlie, “‘Pag mabibigat na eksena o ‘yung mga eksenang walang dialogue, ‘yung mga tinginan lang, du’n kami hirap na hirap, as in tawang-tawa kami lagi.”


Para naman kay Kaila, “It’s a very supportive energy lalo na sa aming apat. I feel like makikita ng mga tao ‘yung chemistry talaga naming apat. Maniniwala talaga sila na magkakabarkada kami o childhood friends kami kasi parang ganu’n ‘yung pakiramdam.”


Anyway, tanong lang po, ang What Lies Beneath ba ay hango sa supernatural horror movie noon na pinagbidahan nina Harrison Ford at Michelle Pfeiffer na idinirehe ni Robert Zemeckis? 

Just asking.



NAPAKAEMOSYONAL ni Ogie Alcasid nang magbigay ng tribute sa pumanaw na singer-songwriter na si Davey Langit kamakailan dahil inaanak pala niya ito.

Ibinahagi ni Ogie ang isang video ni Davey na nakatanggap ng regalo mula sa kanya.


Aniya sa caption, “Davey, hindi pa rin ako makapaniwala. Ito ‘yung ipinadala mo na video sa akin nu’ng natanggap mo (ang) surprise ko sa ‘yo nu’ng nanalo (ang) OKC (Oklahoma City Thunder NBA team). Ang saya-saya mo.”


Nagpahayag din siya ng pakikiramay sa mga malapit kay Davey at nagbigay-pugay sa kanyang legacy.


Pahayag ni Ogie, “Marami kaming nagmamahal sa ‘yo at humahanga sa galing mo sa pagsulat at pag-awit. Higit sa lahat, sa napakabuti mong puso.


“Magka-text lang tayo ilang linggo lamang ang nakalipas. Nakakalungkot at nakakabigla.


“Lubos kaming nakikiramay kay Therese at sa iyong mga mahal sa buhay. Lalo na kay Aikee na kausap ko kaninang umaga.”


Huling sinabi ni Ogie, “Magpahinga ka sa kapayapaan, inaanak. Umawit kasama ang mga anghel.”


Si Davey Langit ay nakilala nang maging contestant sa Pinoy Dream Academy (PDA) noong 2006. Nakilala siya sa kanta niyang Selfie Song.



ISA na ring entrepreneur ang leader ng P-pop girl group na BINI na si Jhoanna Robles. Bukas na para sa publiko ang kanyang coffee shop na nasa Calamba, Laguna. 

Pagod at hirap ang pinagdaanan ng singer bago niya natupad ang pangarap.


Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ibinahagi niya na siya na mismo ang may-ari ng bagong branch ng Brew and Co. 


Ayon sa kanya, ilang buwan din siyang nagpuyat at nagpursige para sa kanyang negosyo.


Well, sana raw ay maging ligtas at komportable ang lugar ng coffee shop para sa lahat ng pupunta roon.


Congratulations, BINI Jhoanna!


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | October 20, 2025



BULGARY - ANNE, NABUNDAT SA PIZZA, NAPAGKAMALANG BUNTIS_FB Anne Curtis

Photo: FB Anne Curtis



Nag-react ang TV host-aktres na si Anne Curtis sa espekulasyon ng mga netizens na siya ay buntis pagkatapos na mag-viral ang kanyang pagsasayaw after ng kanyang fashion journey. Nasa New York kasi siya para manood ng Victoria’s Secret Fashion Show (VSFS).

After that ay inaliw niya ang mga netizens sa pamamagitan ng sayaw kung saan siya ay nasa kalye na iba’t iba ang kasuotan sa bawat video clip.


Aniya sa kanyang post, “Danced my way around the city. Song on repeat this whole trip #VSfashionshow.”


Agad na nag-viral ang dance number ni Anne, kaya lang, may ilang nagkomento na tila preggy siya.


“Baby bump?” tanong ng mga netizens.


Idinaan ni Anne ang sagot sa kanyang signature humor, “More like pizza bump.”

May mga sumunod pang komento, “Baby is waving. Congratulations, Ate (Anne).”


Sagot ni Anne, “Lol (laugh out loud), tumaba lang, baby agad?” 


Ayaw pa ring tantanan ang misis ni Erwan Heussaff.


May nagtanong “Buntis ba si Anne?”


Direktang sagot ng aktres, “Hindi. Busog lang, Beh.”


Ang mga witty replies ni Anne Curtis ay kinagiliwan ng mga fans. Inakala ngang may Baby No. 2 na sila ng mister niyang si Erwan Heussaff.



SASABAK na rin sa theater play na Bagets The Musical (BTM) ang dating child actor na nasa programang Team Yey! (TY) na si Sam Shoaf. Matatandaang sumali rin siya noon sa The Voice Kids (TVK) Season 2.


Twenty years old na ngayon si Shoaf na anak ng dating singer na si Arnee Hidalgo, ang kapatid ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo.

Ibinahagi niya ang kanyang role sa BTM bilang si Topee, na karakter ni JC Bonnin sa pelikulang Bagets noong 1984.


Sa isang panayam ay natanong siya kung ano’ng parte ng personality ni Topee na similar sila.


Ani Shoaf, “I watched the movie tapos nakita ko si Topee, mahilig po talaga s’ya sa mixed martial arts. So that’s I guess something na we have in common.”

Ayon pa sa young actor, ang laki raw ng difference from acting on screen to theatre.


Pahayag niya, “It’s a completely different universe sa theater compared to TV and all. Grabe po talaga ‘yung preparations na ginagawa namin from the workshops. We started doing workshops recently, ‘yung mga exercises po talaga is super different, like completely different blood talaga compared to TV. And everything is just so exaggerated, you have to be more open.


“Definitely it’s a good learning experience as a TV actor going into theater, it’s so super surreal, very exciting po talaga.”


Ang Bagets The Musical ay mapapanood mula January 23 hanggang March 2026 sa Newport Performing Arts Theater, directed by Maribel Legarda.



Sorry na lang sa mga fans…

JONA: ALDEN, ‘DI SASAYAW SA CONCERT DAHIL LIBRE LANG ANG TF



IBINULGAR ni Jona na hindi tinanggap ni Alden Richards ang alok niyang talent fee (TF) para sa kanyang nalalapit na concert. 


Ayon sa singer, mismong ang aktor ang nagprisintang mag-guest nang libre at buong puso sa kanyang JONA: Journey to the Arena concert.


Dating magkasama sa isang istasyon sina Jona at Alden, pero kahit lumipat na ang singer sa kabila ay tuloy pa rin ang kanilang friendship. 

Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ng mang-aawit na napaka-supportive ng aktor sa kanyang career. Sobrang nagpapasalamat ang singer sa gesture ni Alden.


Wika raw ng aktor, “I-guest mo ako d’yan, ha, ‘di ako puwedeng mawala d’yan, ha?”

Tuloy, walang masabi si Jona kundi purihin ang kabaitan ng kaibigan. 


Napakabuti at tunay na maaasahan daw si Alden. 

Umaasa rin siya na balang-araw ay makakapag-record sila ng kanta ng aktor. 


Pinatunayan ni Alden na isa na ngayong aktor-direktor ang kanyang pagiging mapagkumbaba, sa kabila ng pagiging isa sa pinakamalaking bituin sa industriya ng entertainment.


Samantala, naitanong kay Jona kung sasayaw ba si Alden Richards sa kanyang concert. Sagot ng singer, “Baka hindi po muna kasi walang bayad, eh.”

Malay n’yo naman, mangyari ito. Hahaha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page