top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | December 10, 2023





Hello, Bulgarians! Inihayag ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Wick Veloso na nakahanda ang GSIS na magbigay ng emergency loan sa mga miyembro at pensyonado sa CARAGA Region, Mindanao na naapektuhan ng 7.4 na lindol na yumanig sa Surigao Del Sur noong Disyembre 2.

 

Sa ilalim ng GSIS Emergency Loan program, ang mga kuwalipikadong miyembro na walang emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang P20,000. Ang mga may existing emergency loan balance ay maaaring humiram ng hanggang P40,000 upang mabayaran ang kanilang nakaraang balanse sa emergency loan at makakatanggap pa rin ng maximum na netong halaga na P20,000. Ang mga pensyonado ay maaari ding mag-aplay para sa loan na P20,000.

 

Ang mga kuwalipikadong aplikante para sa emergency loan ay mga aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa lugar ng kalamidad na hindi naka-leave of absence without pay at nagbayad ng kanilang mga premium sa loob ng huling anim na buwan bago ang aplikasyon. Sila ay dapat na walang nakabinbing administratibo o kriminal na kaso at mayroong net take-home pay na hindi bababa sa P5,000 pagkatapos maibawas ang lahat ng kinakailangang buwanang obligasyon.

 

Ang mga miyembro at pensioner ay maaaring mag-aplay para sa loan gamit ang GSIS Touch mobile application, available itong i-download sa Google Play Store at Apple App Store. Maaari rin silang mag-apply sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk, na makikita sa lahat ng opisina ng GSIS, mga piling Robinson's at SM supermall, at malalaking tanggapan ng gobyerno gaya ng Department of Education. Papayagan ang over-the-counter na application kung offline ang GWAPS kiosk o kung ang borrower ay nawala ito o may sira ang ecard, hindi nababasang biometrics o may temporary-issue eCard.

 

Para sa karagdagang detalye, maaaring bisitahin ng mga miyembro at pensioner ang GSIS website (www.gsis.gov.ph) o Facebook page (@gsis.ph); mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph; o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers) o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk 'N Text subscriber).

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | December 4, 2023



Hello, Bulgarians! Inanunsyo ng Pag-IBIG Fund nito lamang nakaraang Biyernes, ika-24 ng Nobyembre na ang calamity loan ng ahensya ay handang tumulong sa mga miyembrong naapektuhan ng malakas na paglindol sa Southern Mindanao at maging sa mga miyembro mula sa Eastern Visayas na nakaranas ng matinding pagbaha.


Ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development at chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees na ang Pag-IBIG Fund ay naglaan ng calamity loan funds para sa mga apektadong miyembro nito mula Sarangani, Davao Occidental, Glan, Sarangani Province, General Santos City at iba pang bahagi ng Mindanao, gayundin sa Eastern Samar, Northern Samar at mga sinalantang lugar sa Eastern Visayas.


Ito ay naglalayong matulungan silang makabangong muli mula sa pinsalang idinulot ng paglindol at pagbaha noong nakaraang linggo. Nakikipagtulungan din ang ahensya sa mga local government units ng mga nasabing lugar bilang tugon na rin sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maipaabot ang lahat ng kinakailangan at nararapat na tulong para sa ating mga kababayang sinalanta ng ganitong klase ng trahedya at kalamidad.


Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan, ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Savings, na binubuo mula sa kanilang buwanang kontribusyon, mga kontribusyon mula sa kanilang employer, at mga naipong dibidendo na kinita. At bilang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga miyembro, ang loan ay inaalok sa rate na 5.95% kada taon, na siyang pinakamababang rate sa merkado. Ang utang ay babayaran sa loob ng hanggang tatlong taon, na may palugit na tatlong buwan upang ang paunang pagbabayad ay dapat bayaran lamang sa ikaapat na buwan pagkatapos mailabas ang utang. Maaaring mag-apply ang mga kuwalipikadong borrower para sa calamity loan sa loob ng 90 araw mula sa petsa kung kailan idineklara ang isang lugar sa ilalim ng state of calamity.


Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, nakapaglabas na ang ahensya ng P2.48 bilyon na calamity loan para matulungan ang 149,607 miyembro nito sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad sa bansa noong Oktubre ng taong kasalukuyan.


Idinagdag din niya na nauunawaan nila na kailangan ng mga miyembro ang agarang tulong pinansyal, kaya naman tinitiyak ng ahensya na lahat ng programa at serbisyo ay mananatiling bukas para sa kanila. Kahit pa man ang kanilang mga tanggapan at tauhan sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad ay apektado rin ng nasabing sakuna na ito, mananatiling bukas at handang tumanggap ang mga sangay nila para sa mga aplikasyon ng pautang at mga claim sa insurance sa housing loan.


Nakahanda na ring i-deploy ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels sa mga lugar na pinakaapektado. Mayroon ding Virtual Pag-IBIG na handang tumanggap ng kanilang calamity loan applications online para sa mga miyembrong may access sa internet.


Tinitiyak din nila sa mga miyembro na maaasahan nila ang kanilang Lingkod Pag-IBIG na tutulong sa kanila sa panahong ito ng pagsubok.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | November 19, 2023



Hello, Bulgarians! Naglabas ang Pag-IBIG Fund ng P50.79 bilyon na cash loan sa nakalipas na sampung buwan, na sinira ang rekord nito para sa pinakamataas na halaga ng cash loan na inilabas para sa Enero hanggang Oktubre. Nakinabang sa nasabing halaga ang 2,281,042 miyembro ng Pag-IBIG Fund.


Mula Enero hanggang Oktubre, tumaas ng 12 porsyento o P5.5 bilyon ang halaga ng short-term loan na ni-release ng ahensya kumpara sa P45.29 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2022.


Tumaas din ang bilang ng mga miyembrong natulungan sa pamamagitan ng programa ng 6 porsyento o 127,494 higit pa sa 2,153,548 na miyembro mula noong nakaraang taon dahil mas marami ang gumamit ng online channel ng ahensya, ang Virtual Pag-IBIG, para mag-apply ng cash loan. Sa panahong iyon, 743,362 members ang nag-file ng kanilang mga loan online, may pagtaas ng 266,281 borrowers o 56% percent year-on-year.


“We are happy to report that Pag-IBIG Fund continues to provide Filipino workers with assistance on their immediate financial needs through our cash loans. The record-high amount of loans we released, as well as the highest ever number of members aided through these loan program, show that our short-term loans are among the top choices of Filipino workers in gaining additional funds for their needs. All these are part of our efforts in heeding the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide the best service to the Filipino people,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


“We at Pag-IBIG Fund recognize that each and every year, millions of our members rely on our Pag-IBIG MPL for their immediate financial needs. That is why we have made the application for our cash loans more accessible and easier for our members. Today, our members can easily and conveniently apply for these loans through many channels, which include their employers or at any of our more than 200 branches nationwide. Members may now also apply for a cash loan anytime, anywhere by using our online channels, the Virtual Pag-IBIG or the Virtual Pag-IBIG Mobile App. Our members can rest assured that our programs shall always be reliable, and that we shall continuously find ways to make their benefits accessible to them,” sabi ni Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Marilene C. Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page