top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Pebrero 21, 2024





Hello, Bulgarians! Sinalubong ng mga aktibo at naghahangad na negosyante ang Chinese New Year na may pag-asa ng kaunlaran sa kanilang pagpupulong sa libreng MSME mentoring 3M on Wheels noong Pebrero 10, 2024. 


Ang event ay inorganisa ng Go Negosyo at ginanap sa Robinsons Manila. Ang boluntaryong tagapagturo sa MSMEs ay ilan sa mga top business executives at tagapagtatag ng mga matagumpay na negosyo, pati na rin ang mga beteranong consultant sa entrepreneurship.


Ang founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion at Manila Vice Mayor Yul Servo ay malugod na tinanggap ang mga kalahok at ang grupo ng mga mentor habang isinasagawa ang programa para sa one-on-one mentoring ng mga negosyante. Habang ang dating si Sen. Bam Aquino, may-akda ng Go Negosyo Act; Dr. Mark Lisaca, presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry–Manila; at Usec. Ma. Cristina Roque ng MSME Development Group ng Department of Trade and Industry, ay nagbigay ng mga mensahe ng suporta para sa kaganapan, na naglalayong palaguin ang sektor ng MSME upang pasiglahin ang pag-unlad ng bansa. 


Samantala, si Nadine Ablaza, founder at CEO ng Metal Straw PH, ay nagbigay ng maikling talumpati tungkol sa kung paano magagamit ng MSMEs ang social media promotions sa kanilang kapakinabangan.


Ang 3M on Wheels ay isang programa ng Philippine Center for Entrepreneurship (Go Negosyo). Bilang karagdagan sa libreng one-on-one coaching para sa mga aktibo at naghahangad na mga negosyante, ang mga financing at market solution ay available din sa kaganapan.


Itinataguyod ng 3M On Wheels ang tatlong “M” para sa matagumpay na entrepreneurship, katulad ng Mentorship, Money, at Market. Ang tatlo ay bumubuo sa pundasyon ng misyon ng Go Negosyo na isulong ang entrepreneurship sa mga Pilipino. 

Ang kaganapan ay inspirasyon ng dumaraming bilang ng mga Pinoy na bumaling sa pagnenegosyo at pinupunan ang puwang sa pagkatuto sa paglalakbay ng entrepreneurial ng mga aktibo at naghahangad na mga entrepreneur.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Pebrero 16, 2024


Hello, Bulgarians! Naglabas ng mahigit P257 milyon ang PhilHealth bilang paunang pondo para sa mga Primary Care Provider Networks (PCPNs) upang lalo pang palakasin ang primary care benefit nito na kilala bilang Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama Package.


Ayon kay PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma Jr., malaking tulong ito sa mga accredited Konsulta facilities sa ilalim ng mga partner networks upang tiyakin ang kahandaang magsilbi sa mga pasyenteng nag-a-avail ng mga serbisyo ng Konsulta mula konsultasyon, health screening at assessment, at pagbibigay ng angkop na gamot at laboratory batay sa rekomendasyon ng kanilang Konsulta provider.


Sa kasalukuyan ay apat sa unang pitong PCPN sa ilalim ng sandbox setting ang nakatanggap na ng nasabing pondo mula sa PhilHealth. Ang mga ito ay ang Quezon Province, P72.9 milyon; South Cotabato, P53.9 milyon; Bataan, P114.7 milyon; at Baguio City, P15.9 milyon.


 “Ang mga pondong ito ay in-advance na natin bago pa man nila ibigay ang mga serbisyo. Sa ganitong paraan ay magagamit nila ito para ihanda ang mga pasilidad na pagsilbihan ang mga pasyente lalo na mula sa mga malalayo at mahihirap na komunidad,” paliwanag ni Ledesma.


Naglaan ang PhilHealth ng P30 bilyon ngayong taon upang paigtingin ang pagpapatupad ng Konsulta sa mas marami pang networks at para mailapit ang Konsulta sa marami ring rehiyon lalo na sa mga geographically isolated at depressed areas.


Nakikilahok din kami sa LAB for ALL o ‘Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat’ Caravan ng Unang Ginang Liza Araneta Marcos para mapalakas pa ang Konsulta,” sabi pa niya. 


Sa unang 17 caravan na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at National Capital Region noong 2023, may kabuuang 14,000 benepisyaryo na ang nabigyan ng serbisyo at nakapag- konsultasyon sa mga primary care physicians.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Enero 29, 2024




Hello, Bulgarians! Nanguna ang Meralco, isa sa mga kumpanya sa ilalim ng pamumuno ni Pangilinan, sa ginanap na ika-20 Philippine Quill Awards pagkatapos nito mag-uwi ng 28 na awards para sa mga programa ng kumpanya na nakatuon sa pampublikong serbisyo, sustainability, at innovation sa pamamagitan ng epektibong komunikasyon.

 

"Ang mga pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa buong Meralco na lalo pang paghusayan ang aming mga programang pampublikong komunikasyon para makapaghatid ng mas magandang serbisyo sa publiko,” ani Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.

 

Tanging ang Meralco pa lamang ang nakapagkamit ng karangalan na maitanghal na “Company of the Year” sa loob ng tatlong magkakasunod na taon. Sa katatapos lamang na pagpaparangal, itinanghal ang Meralco na 1st Runner Up.

 

Ang Philippine Quill Awards ay pinapangunahan ng International Association of Business Communicators Philippines at itinuturing na isa sa pinakaminimithing parangal ng mga kumpanya sa larangan ng komunikasyon. Kinikilala nito ang husay at dedikasyon ng mga kumpanya sa pagpapatupad ng mga programang nagpapakita ng mahusay at epektibong komunikasyon sa iba’t ibang industriya.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page