top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | August 1, 2024


Hello, Bulgarians! Ipinahayag ng Social Security System (SSS) na mahigit 8,000 miyembro ng SSS ang maaari nang magbayad ng kanilang buwanang kontribusyon sa pamamagitan ng kani-kanilang mga kooperatiba matapos lumagda ang SSS ng partnership deal sa dalawang kooperatiba sa lalawigan ng Antique.


ree

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na pumirma ang SSS ng isang kasunduan sa Belison at Hamtic Multi-Purpose Cooperatives (MPC) noong Hulyo 9 na magbibigay-daan sa kanila na tumanggap ng mga bayad ng kontribusyon at mapadali ang mga online transaction ng kanilang mga miyembro. 


Sa ilalim ng SSS Accreditation Program for Cooperatives, sinabi ni Macasaet na ang mga awtorisadong kooperatiba ay maaaring mangolekta at magpadala ng mga kontribusyon sa SSS at Employees’ Compensation (EC), at idinagdag na “ang kanilang mga miyembro ay maaari ring magbayad ng kanilang buwanang loan amortization sa pamamagitan ng pagsasaayos na ito”.


“Establishing durable partnerships with cooperatives is crucial in securing the active SSS membership of our members as well as in fulfilling member-borrowers’ responsibility to pay their monthly amortizations regularly,” pahayag ni Macasaet.


Bukod sa pagiging SSS collection partners, sila ay awtorisado rin na mag-facilitate ng mga piling transaksyon sa SSS tulad ng membership at My.SSS registrations, disbursement account enrollment, at online submission ng benefit at loan applications.


“In providing such assistance to its members, the cooperatives may claim a service fee of P6.00 from SSS for every processed and approved transaction,” dagdag pa ni Macasaet.


Ibinahagi rin niya na mahigit 2,000 miyembro ng coop na walang SSS membership, ang irerehistro na SSS member bilang bahagi ng kasunduan.


“It will give their members a more convenient way of conducting SSS transactions through Hamtic and Belison MPC. It will also help them save money because they no longer have to visit SSS Antique, which is approximately 8 to 16 kilometers away from their towns, for their SSS transactions,” pahayag ni Macasaet.


Idinagdag ni Macasaet na bukod sa Hamtic at Belison MPC, mayroong limang partner na kooperatiba sa Antique: DAO MPC, Barbaza MPC, Patnongon MPC, Pandan MPC, at Libertad MPC.


Bukod dito, si Macasaet at iba pang opisyal ng SSS ay nakipagpulong din sa mahigit 100 employer, barangay officials, self-employed member, at local media practitioners sa isang stakeholder’s forum na ginanap sa Eagles Place Hotel at tinalakay ang halaga ng membership ng SSS at update sa mga programa nito at mga serbisyo.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | May 24, 2024



File photo
JuanHand at Arci Muñoz Contract Signing Event; mula sa kaliwa Brian Badilla (JuanHand Branding Head), Arci Muñoz (JuanHand Brand Ambassador), Coco Mauricio (JuanHand President at CEO) at Mark Tubello (JuanHand Senior External Affairs Officer)

Hello, Bulgarians! Sabik na ipinakilala ng JuanHand, ang nangungunang Online Cash Lending Platform sa bansa, ang kanilang pinakabagong brand ambassador na si Arci Muñoz. Tinataglay ni Arci ang karamihan sa mga values na hangad ng mga Filipino: mapagpakumbaba, matulungin, maalam sa teknolohiya, responsable sa pananalapi, maambisyon at masipag.


Bilang may-ari ng negosyo mismo, naranasan ni Arci ang paghihirap sa pananalapi at mabilis na nalaman na pinakamahusay na magkaroon ng mga kasosyo sa negosyo na “magkapareho ng mga pananaw.” 


Simula noon, lumipat na siya para mag-invest sa isang restaurant at isang brand ng skincare para hindi lang mapalago ang kanyang ipon, kundi para makatulong din sa mga mahal sa buhay na may pangangailangang pinansyal. 


“It’s such a great sense of fulfillment for me to be able to pay forward. When I needed financial help in the past, I was blessed to have family and friends who were there for me. Now, masaya ako na merong JuanHand app na available to those who need it most. Talagang Sagot Ka ni JuanHand,” ibinahagi ni Arci Muñoz sa contract signing.


Sa tulong ni Arci, nilalayon ng JuanHand na tuparin ang kanilang three-pronged mission na mag-alok ng mga tech-enabled loan sa mga karapat-dapat sa kredito, pagpapalaganap ng kamalayan sa responsableng paghiram at paglikha ng mga programa upang mapataas ang financial literacy. Ang JuanHand ay isang online cash lending app na pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino dahil lisensyado ito sa SEC, nag-aalok ng patas na interest rates na walang hidden fees at charges na maaaring mag-disburse ng cash nang wala pang limang minuto. 


Gayundin, ang JuanHand ay tanging cash lender na may mga magalang at propesyonal na customer service agent na available tumanggap ng tawag araw-araw.

Kasama si Arci Muñoz at ang JuanHand sa walang sawang nagsisikap na palawakin ang financial inclusion, turuan ang mga Pilipino at maibsan ang stress na dala ng kakulangan sa pananalapi. Nandito si JuanHand para iangat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng financial empowerment na pinapagana ng teknolohiya. Sagot Ka ni JuanHand.


Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.juanhand.com o i-download ang JuanHand app sa Google Playstore o iOS Appstore.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Abril 14, 2024



ree


Hello, Bulgarians! Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng pertussis o ubong dalahit sa buong bansa, pinaalalahanan ng PhilHealth ang publiko na sagot nito ang confinement para sa nasabing sakit.


Ayon sa World Health Organization, ang pertussis o kilala sa tawag na “whooping cough”, ay isang respiratory infection na sanhi ng Bordetella pertussis bacterium. Lagnat, ubo at sipon ang karaniwang sintomas nito na tumatagal ng ilang linggo o higit pa. Lubha itong nakahahawa at naipapasa sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Mga sanggol at mga batang hindi pa nababakunahan ng DTaP vaccine (Diptheria, Tetanus and acellular Pertussis) ang madalas tinatamaan ng sakit na ito, ngunit maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna at magagamot sa pag-inom ng antibiotic.


Hinikayat ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. ang mga mamamayan na magpakonsulta sa pamamagitan ng PhilHealth Konsultasyon Sulit at Tama (Konsulta) Package kung sila ay nakararanas ng mga sintomas ng pertussis gaya ng lagnat, ubo o sipon. 


Kung kinakailangan ng ating mga Kababayan na magpakonsulta, hinihikayat ko silang mag-avail ng libreng konsultasyon at mga gamot na irerekomenda ng healthcare provider sa ilalim ng PhilHealth Konsulta. Ang dapat lamang nilang gawin ay magparehistro,” aniya. 


Ang PhilHealth Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama ay ang outpatient primary care benefit package na nagbibigay ng libreng konsultasyon, health screening at assessment, mga piling laboratoryo at diagnostic tests, at mga gamot na irerekomenda ng doktor.


Nagpahayag din ng suporta ang hepe ng PhilHealth para sa panawagan ng DOH na magpabakuna at binigyang diin ang kahalagahan ng preventive care, “Bakuna at early detection ang pinakamabisang panlaban sa pertussis. Hangga’t maaari ay siguruhin nating kumpleto sa bakuna ang mga bata at magkaroon ng regular na konsultasyon para maiwasan ang pagkakasakit.”


Para sa mga pasyenteng kinakailangang ma-confine, sinabi ni Ledesma na may benepisyo ang PhilHealth na nagkakahalaga ng mula P13,000 hanggang P19,000. “Batid namin ang mga alalahanin sa gamutan ng pertussis at nais naming tiyakin sa publiko na sagot ng PhilHealth ang pagpapagamot ng mga pasyenteng kailangang ma-confine sa ospital,” dagdag pa niya na kung sakaling magkaroon ng komplikasyon dahil sa sakit na ito gaya ng severe pneumonia, mayroon ding benepisyo ang PhilHealth para rito hanggang P90,100.


Hinimok ng PhilHealth ang publiko na ugaliin ang ibayong pag-iingat. “Patuloy nating gawin ang safety measures na ating nakasanayan noong panahon ng pandemya gaya ng madalas na paghuhugas ng kamay upang maprotektahan ang ibang tao lalo na ang mga bata. Tinitiyak ng PhilHealth na makatatanggap ng serbisyo ang mga pasyente habang nagpapagamot sa ospital.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page