top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | August 4, 2022



Hello, Bulgarians! Mas nakakaadik umano ang asukal, kape at iba pang produkto kaysa sa kontrobersyal na medical cannabis o marijuana.


Ayon kay Chuck Manansala, presidente ng Masikhay Research, magkakaroon ng kidney ailment, o sakit sa puso kung patuloy ang paggamit ng asukal at iba pang karamdaman sa pag-inom ng kape.


Sa isinagawang Media Health Forum ng Bauertek Corporation, dumalo ang mag-asawang Arthur at Maria Guadalyn Reyes ng Sensible Philippines at may-ari ng Mabuhigh Maharlika Corporation Company Limited sa Thailand, isang cannabis dispensary shop. Ito rin ang kauna-unahang cannabis dispensary sa Thailand at sa buong mundo.


Nagtataka si Arthur kung bakit hindi pa pinapayagan ng mga mambabatas ang paggawa ng gamot mula sa medical cannabis, gayong legal na ito sa maraming bansa, katulad ng Thailand.


“Ang unang makikinabang dito ay mga pasyente, pangalawa ay ang ating bansa dahil base sa forecast, by 2030, global cannabis trade will go up, up to $180 billion. May kakayanan tayong humabol ng at least 2 percent ng global cannabis trade, that translates to $3.6 billion or P40 million in annual taxes,” pahayag ni Dr. Richard Nixon Gomez, presidente at general manager ng Bauertek Corporation, isang research, development and manufacturing company sa Guiguinto, Bulacan.

pe, mas nakakaadik kesa marijuana -- eksperto


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | August 3, 2022



Hello, Bulgarians! Isang linggo matapos kilalanin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa kanyang 2nd State of the Nation Address, para sa mataas na tala ng home loan noong 2022, muling nagtakda ng bagong record ang Pag-IBIG Fund sa mga home loan na inilabas para sa unang kalahati ng 2023, ito ang inihayag ng mga opisyal ng ahensya noong Lunes, Hulyo 31.


Ang Pag-IBIG Fund ay naglabas ng P57.07 bilyon na home loan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, isang pagtaas ng P5.11 bilyon o 10% kumpara sa P51.96 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2022.


“Pag-IBIG Fund’s performance in the first six months of 2023 in the home loan front now stands out as the best in our history. We are happy that the number of Filipino workers who were able to become homeowners through Pag-IBIG’s Housing Loan programs continues to grow. Inspired by President Marcos’s recognition of our efforts in his report to the people, we remain committed to his administration’s Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing or 4PH Program under the Bagong Pilipinas Campaign, in line with our united efforts of providing our fellow Filipinos access to decent, safe and affordable homes,” sabi ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Idinagdag ni Acuzar na ang halaga ng mga pautang sa bahay na inilabas ng ahensya sa panahon ay nagbigay-daan sa 44,414 na miyembro na makakuha ng kanilang sariling mga tahanan. Binanggit pa niya na sa kabuuang bilang na ito, 5,748 o 13% ang miyembro ng Pag-IBIG Fund mula sa minimum-wage at low-income sectors na ngayon ay homeowners matapos makakuha ng kabuuang P2.42 billion na socialized home loan.


“We at Pag-IBIG Fund always strive to provide our members, the Filipino workers, the means to have their own homes through affordable shelter financing. And, with our collections strong and our performing loans ratio high, we were able to further reduce the interest rates on our home loans and make it even more affordable. That is why we are optimistic that the excellent performance of our home loans will keep its pace for the rest of the year. More affordable home loans translate to more Filipinos turning their dreams of owning a home a reality,” pahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | August 1, 2022


Hello, Bulgarians! Inihayag ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Wick Veloso na nakahanda ang GSIS na magbigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng emergency loan program sa mga miyembro at pensiyonado sa North Luzon na maaaring maapektuhan ng super typhoon Egay (International name “Doksuri”).


Nakataas ngayon ang wind signal No. 4 sa hilagang-silangan na bahagi ng mainland Cagayan Province habang ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng signal no. 3: Babuyan Island; hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan at hilagang-silangan na bahagi ng Isabela; at ang hilagang bahagi ng Apayao. Nagbabala ang PAGASA na ang mga storm surge na lampas tatlong metro ay maaaring mauwi sa pagbaha sa mga coastal areas ng Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan Island, Isabela, at Ilocos Norte.


“We've set aside a total of Php6 billion for our emergency loan budget this year. We want to ensure sufficient funds to offer loan assistance to those who need help during disasters,” sabi ni Veloso.


Ang mga miyembrong may umiiral na balanse sa emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang Php40,000 para ma-clear ang balanse ng kanilang nakaraang emergency loan at makatanggap ng maximum net amount na Php20,000. Samantala, ang mga pensiyonado at ang mga walang existing emergency loan ay maaaring mag-aplay para sa Php20,000 na loan.


Ang pautang ay may mababang interes na 6% at may tatlong taong panahon ng pagbabayad.


Kasama rin dito ang redemption insurance coverage, na magbabayad sa balanse ng pautang kung sakaling mamatay ang nanghihiram sa panahon ng termino ng pautang, hangga't na-update ang mga pagbabayad.


Ang mga miyembro at pensioner ay maaaring mag-aplay para sa loan gamit ang GSIS Touch mobile application, na available sa pag-download mula sa Google Play Store at Apple App Store. Maaari rin silang mag-apply sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk, na makikita sa lahat ng opisina ng GSIS, mga piling Robinson's at SM supermall, at malalaking tanggapan ng gobyerno gaya ng Department of Education.


Para sa mga katanungan, bisitahin ang GSIS website (www.gsis.gov.ph) o Facebook page (@gsis.ph), mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila ) o 1-800-8-847-4747 (para sa mga subscriber ng Globe at TM) o 1-800-10-847-4747 (para sa mga subscriber ng Smart, Sun, at Talk 'N Text).


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page