top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | September 20, 2023



Hello, Bulgarians! Daan-daang small entrepreneur ang dumagsa sa libreng MSME mentoring roadshow ng Go Negosyo na 3M on Wheels nang isagawa nito ang libreng entrepreneurship mentoring event sa SM City BF Parañaque noong Setyembre 16, 2023.


Ang kaganapan ay umakit sa maraming negosyante mula sa lungsod na ito sa timog ng National Capital Region.


Nagbigay ng espesyal na mensahe sina Parañaque City Mayor Eric Olivarez at Go Negosyo founder Joey Concepcion sa mga negosyante ng lungsod. Ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), sa pangunguna ni President Dr. Yolanda Arandia ay nagbigay ng kanilang buong suporta sa event, gayundin ang mga icon mentor ng Go Negosyo, kasama sina Yolly Dela Cruz ng PCCI Valenzuela, Maricor Malitao ng PCCI Caloocan, at Tess Ngan Tian ng PCCI-NCR.


Isang espesyal na bahagi ng programa ang maikling pag-uusap ng brand influencer at entrepreneur na si Cleo Loque, na nagbahagi sa audience kung paano nila magagamit ang digital technology at maging sarili nilang brand influencer.


Ang mga beteranong mentor mula sa Go Negosyo gayundin ang mga nangungunang executive mula sa mga malalaking kumpanya sa bansa ay nagboluntaryo ng kanilang oras upang magbigay ng libreng mentoring sa mga aktibo at naghahangad na mga negosyante. Samantala, ang mga masuwerteng dumalo ay umuwi na may mga papremyong pandagdag-puhunan at libreng t-shirt ng Go Negosyo.


Ang 3M on Wheels ay isang programa ng Philippine Center for Entrepreneurship (Go Negosyo).


Bilang karagdagan sa libreng one-on-one coaching para sa mga aktibo at naghahangad na mga negosyante, maging ang mga financing at market solution ay available via kiosk sa event.


Itinataguyod ng 3M On Wheels ang tatlong M para sa matagumpay na entrepreneurship, katulad ng Mentorship, Money, and Market. Ang tatlo ay bumubuo sa pundasyon ng misyon ng Go Negosyo na isulong ang entrepreneurship sa mga Pilipino.


Ang nauna sa 3M on Wheels, ang Mentor ME On Wheels, ay sinimulan noong 2018 at naging inspirasyon ng dumaraming bilang ng mga Pilipinong bumaling sa pagnenegosyo. Pinunan ng inisyatiba ang puwang sa pagkatuto sa entrepreneurial journey, at ginawang solusyon ang mentorship na tumugon sa pangangailangan sa pagpapalaki ng kapasidad ng mga Pilipinong negosyante.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | September 16, 2023



Hello, Bulgarians! Ang Pag-IBIG Fund ay naglabas ng P76.94 bilyon na home loan sa nakalipas na walong buwan, na nahigitan ang rekord nito sa pinakamataas na home loan disbursement para sa panahon ng Enero hanggang Agosto, inihayag ng mga opisyal ng ahensya noong Biyernes, Setyembre 15.


“We are happy to report that Pag-IBIG Fund has once again set a record high in terms of home loan releases during the first eight months of the year. The sustained growth of our home loans mean that more and more Filipino workers are being helped by Pag-IBIG Fund to have homes they can call their own. This is one of our ways to heed the call of President Marcos to provide sustainable and inclusive housing for Filipinos,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Idinagdag ni Acuzar na ang halaga ng home loan na inilabas ng ahensya ay P4.23 bilyon o 6% na mas mataas kumpara sa P72.71 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2022, at pinondohan ang 59,840 na pabahay ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund.


Binanggit pa niya na mula sa kabuuang bilang na, 7,450 o 12% ay miyembro mula sa minimum-wage at low-income sectors, na nakakuha ng kabuuang P3.15 bilyon sa socialized home loan.


Samantala, binanggit ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na inaasahan ng ahensya na mapanatili ang pagganap nito sa nalalabing bahagi ng taon, pangunahing hakbang ng ahensya na babaan ang mga rate ng home loan nito noong Hulyo.


“We thank our members for choosing and trusting the Pag-IBIG Housing Loan to help them achieve their dream of homeownership. We assure our borrowers that we shall do all that we can to maintain the low rates of their loans and keep their monthly payments affordable. This is because we at Pag-IBIG Fund highly value sustainability, so that our current borrowers can maintain their ability to pay their loans and allow even more members to avail of our home financing programs. With four months to go before we end the year, we are optimistic that we shall once again set a banner year in the home loan front, and thus empower more Filipinos to become homeowners,” sabi ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | August 14, 2022


Hello, Bulgarians! Habang ipinagdiriwang ng mundo ang International Day for Biological Diversity 2023, sumali ang SM Prime Holdings Inc. (SM Prime) sa Society for the Conservation of Philippine Wetlands, Inc. (SCPW) na nagho-host ng ikaapat na SCPW Wetland Center Design Symposium noong ika-29 ng Mayo sa MAAX Building sa Mall of Asia Complex.


Sinabi ni SCPW President Arch. Celestino Ulep, binuksan ang symposium sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang optimismo sa kung paano ang pakikipagtulungan at pagyakap sa nature-based architecture ay maaaring magbigay daan sa paglikha ng isang kinabukasan kung saan ang mga wetlands at ang biodiversity ay umuunlad.


Dumalo rin sa event, ang mga kilalang eksperto sa larangan, na nagbahagi ng kanilang mga insight at karanasan kasama sina Chris Rostron, global manager ng Wetland Link International, at Alex Hughes ng Wildfowl & Wetlands Trust sa London, UK.


Sinimulan ng mga panauhing tagapagsalita ang talakayan sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa mahalagang papel ng Wetland Centers bilang isang tool para sa Communication, Capacity Building, Education, Participation, and Awareness (CEPA) sa mga pagsisikap sa pangangalaga sa wetland.


Samantala, si Arch. Aaron Lecciones, SCPW Special Projects Officer, ay gumawa ng detalyadong visual presentation sa karanasan ng Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) Design Team.


Binigyang-diin niya ang mga hamon at tagumpay ng pagdidisenyo ng isang wetland park, na nagsisilbing mapagkukunan ng inspirasyon para sa mga nagnanais na mga designer at arkitekto.


Ang mga kabilang na partner ay sina Ms. Rida Reyes Castillo ng SM Prime, Dr. Arvin Diesmos ng ASEAN Center for Biodiversity, Mr. Laudemir Salac ng DENR-Region 3, at Arch. Gleo Raymundo ng UAPSA na dumalo sa kaganapan upang ipakita ang kanilang buong suporta para sa gawaing ito.


“It is an honor and privilege on the part of SM to partner with the SCPW and UAPSA in realizing its common goal of protecting ecosystems, particularly wetlands, by inspiring the youth to engage and take action on the socio-civic and economic issues in their communities by finding workable solutions towards building a sustainable future,” sabi ni SM Prime AVP and Head of Marketing, PR, and Communications Rida Reyes Castillo.


Ang symposium ay nagtapos sa isang komprehensibong talakayan sa mga rules and guidelines ng design competition, na sinundan ng isang open forum at pagpapalitan ng mga ideya sa mga kalahok.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page