top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | October 02, 2023



Hello, Bulgarians! Muling nakibahagi ang SM Cares sa taunang International Coastal Cleanup Day noong Sabado, Setyembre 16, 2023.


Pagpapatibay ito ng patuloy na pagsuporta ng SM sa adbokasiya hinggil sa ocean conservation.


Layunin ng SM ang makakolekta ng “biggest haul” ng basura at marine debris.


Sa taong ito, nakakuha sila ng halos 75,033 kg., buhat ng pinakamalaking partisipasyon mula pa noong 2015 – 15 na SM mall mula sa 12 na lokasyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.


Dahil dito, halos 17,026 katao, kabilang ang SM employees at iba pang mga grupo, ang nakiisa sa paglilinis ng kani-kanilang pinakamalapit na baybaying dagat.


Marami nang pinangunahang projects at initiatives ang SM na nakatuon sa ocean conservation at coastal cleanup bilang pagsuporta na rin sa United Nations Decade of Ocean Science for Sustainable Development (2021-2030).


Alinsunod sa Ocean Decade Challenge ngayong taon na pinangalanang Sustainably Feed the Global Population, ipinapakita ng SM sa pamamagitan ng kanilang mga water conservation projects katulad ng pag-recycle at pag-treat ng tubig mula sa paghuhugas ng kamay at pagkolekta ng tubig-ulan, ang kahalagahan ng pakikibahagi ng komunidad sa pagbawas ng polusyon, pagprotekta sa ating mga yamang pangisdaan, at pagpapanatili ng mga potable water sources para sa lahat.


“Lahat tayo ay may responsibilidad na protektahan at pangalagaan ang ating yamang dagat, pati na rin ang komunidad na nabubuhay at nakikinabang dito,” ani SM Supermalls Vice President for Corporate Compliance and SM Cares Program Director for the Environment Engr. Liza B. Silerio. “Ang mas malinis na karagatan ay hahantong sa isang magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon,” dagdag niya.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | October 01, 2023



Hello, Bulgarians! Ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ay sama-samang nakapag-ipon ng P59.52B noong Enero hanggang Agosto ngayong taon. Lumaki ng 11.45 porsyento taun-taon at nagtatakda ng bagong rekord para sa pinakamataas na halagang naipon ng mga miyembro para sa panahon ng Enero hanggang Agosto.


“We are happy to see that more Filipino workers recognize the importance of saving and are choosing to save with Pag-IBIG Fund. The record high in Pag-IBIG members’ savings collected from January to August 2023 shows their continuing trust and confidence in us and in our programs. This is good news because as our collection increases, the more funds we are able to utilize for the benefit of our members who seek to apply for home loans and short-term loans. All these are in line with the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to improve the Filipino workers’ access to finance,” saad ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang paglaki ng mga nakolektang savings ng mga miyembro ay nakita sa parehong mandatory Regular Savings ng ahensya at voluntary MP2 Savings nito.


Ang mga koleksyon para sa Pag-IBIG Regular Savings ay umabot sa P28.03 bilyon, isang 7 porsyentong pagtaas mula sa P26.16 bilyon na nakolekta sa parehong panahon noong 2022. Sa kabilang banda, umabot sa P31.50 bilyon ang popular na MP2 Savings ng ahensya, isang pagtaas ng 16 porsyento mula sa P27.25 bilyon na nakolekta noong Enero hanggang Agosto ng nakaraang taon. Noong 2022, ang Pag-IBIG Regular Savings ay nakakuha ng annual dividend rate na 6.53%, habang ang MP2 Savings ay nag-post ng annual return rate na 7.03%.


“The continued growth of our members’ savings is truly remarkable. We are grateful to the business community for responsibly remitting the Pag-IBIG contributions of their employees and their counterpart share on time. We are also thankful to our members for their trust in saving with Pag-IBIG - by saving more than the required P100 monthly contribution under the Pag-IBIG Regular Savings, and by continuing to save in our MP2 Savings. This trust is clearly displayed by the amount voluntarily saved by our members, which has in fact surpassed the amount of mandatory savings we have collected. That is why we remain steadfast in our commitment to prudently and excellently manage each and every hard-earned peso that our members have entrusted us, and provide their savings with the best possible returns,” pahayag ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | September 27, 2023



Hello, Bulgarians! Daan-daang small entrepreneur ang dumagsa sa libreng MSME mentoring roadshow ng Go Negosyo na 3M on Wheels nang isagawa nito ang libreng entrepreneurship mentoring event sa SM City BF Parañaque noong Setyembre 16, 2023.


Ang kaganapan ay umakit sa maraming negosyante mula sa lungsod na ito sa timog ng National Capital Region.



Para sa taunang inisyatiba ng Maynilad sa reforestation, ang kumpanya ay nakatuon sa pagtatanim ng 210,000 na mga punla at bakawan sa halos 525 ektarya sa Ipo watershed sa Bulacan, Kaliwa watershed sa Quezon Province, La Mesa watershed sa Quezon City, at sa Manila Bay coastline sa Cavite Province.


“One climate change mitigation measure that will have a long-term and major impact on protecting our water sources is the planting of trees. It not only enhances carbon sequestration, it also increases the soil’s water-retention capacity, thus preventing erosion in watersheds that could lead to high turbidity in the raw water supply,” pahayag ni Maynilad’s Quality, Sustainability and Resiliency (QSR) Head, Atty. Roel S. Espiritu.


Sinabi ni Espiritu na ang mga aktibidad sa reforestation sa taong ito ay tututukan sa pagpapabuti ng kagubatan sa Mt. Balagbag sa Bulacan.


Nagtatanim ng mga puno ang Maynilad sa tulong ng mga volunteer mula sa pribado at pampublikong organisasyon — kabilang ang mga kapatid nitong kumpanya sa ilalim ng MVP Group tulad ng PLDT/Smart — na nakikibahagi sa pagmamalasakit ng water company sa pangangalaga sa kapaligiran.


Nakikipagtulungan din ang Maynilad sa Mt. Balagbag Farmers, lokal na komunidad, katutubo, at Bantay Gubat para mapanatili ang mataas na survival rate ng mga punong nakatanim. Mahigit 1 milyong puno na ang naitanim sa pamamagitan ng “Plant for Life” mula nang simulan ang programa noong 2007. Ang Maynilad ang pinakamalaking pribadong water concessionaire sa Pilipinas pagdating sa mga kustomer.


Kasama sa service area nito ang mga lungsod ng Maynila (maliban sa mga bahagi ng San Andres at Sta. Ana), Quezon City (West of San Juan River, West Avenue, EDSA, Congressional, Mindanao Avenue, ang northern part na nagsisimula sa Distrito ng Holy Spirit at Batasan Hills), Makati (West of South Super Highway), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, at Malabon, lahat sa Metro Manila; at mga lungsod ng Cavite, Bacoor, at Imus, at ang mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario, lahat sa lalawigan ng Cavite.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page