top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | October 11, 2023



Hello, Bulgarians! Sa loob lamang ng tatlong buwan matapos makipagsosyo ang Pag-IBIG Fund sa mga nangungunang network ng transportasyon sa bansa para magbigay ng access sa membership nito, 13,128 delivery driver at rider ang nagparehistro bilang mga miyembro ng Pag-IBIG at ngayon ay tinatamasa ang mga benepisyo ng ahensya.


“We are very happy that a growing number of delivery riders are now part of the more than 15.6 million active members of Pag-IBIG Fund. As members of Pag-IBIG Fund, they now have secure savings and shall gain access to our affordable home loans. This is in line with our efforts to provide inclusive housing to all Filipino workers under the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing or 4PH Program of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na siya ring head ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Sa unang bahagi ng taong ito, ang Pag-IBIG Fund ay nakipagsosyo sa transport network at app-based courier companies Angkas, Foodpanda, Grab, Lalamove at Pick-A-Roo. Sa pakikipagtulungan, ang mga delivery riders ay binigyan ng mas mahusay na access sa Pag-IBIG Fund membership upang tamasahin ang mga benepisyo ng ahensya na kinabibilangan ng Regular at MP2 Savings, short-term cash loan, abot-kayang home loan at ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus.


Inaasahan naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na patuloy na tataas ang bilang ng mga delivery riders na magiging miyembro ng Pag-IBIG Fund, lalo na sa nagpapatuloy na Pag-IBIG Asenso Rider Raffle Promo ng ahensya, isang special raffle promo para sa mga delivery riders.


“We remain committed to our mandate of bringing the benefits of Pag-IBIG Fund membership to more Filipino workers. This includes our delivery riders, whose service have become vital in our daily lives. That is why in addition to bringing them better access to Pag-IBIG Fund membership, we are also providing our delivery riders the opportunity to win special prizes to help them with their livelihood with the Pag-IBIG Asenso Rider Raffle Promo. All these are among the many ways how we bring our Lingkod Pag-IBIG Brand of Service – Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso - to our members,” dagdag ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | October 08, 2023



Hello, Bulgarians! Para maiwasan ang pagkalat ng personal na impormasyon kasunod ng ransomware incident noong Setyembre 22, nanawagan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na maging mapagmatyag at mas mag-ingat sa mga malisyosong post na kanilang makikita sa internet at social media.


Sa press briefing kamakailan ay nagbabala ang state health insurer sa posibleng paglalabas ng mga maling impormasyon, kasinungalingan at black propaganda para masamain ang gobyerno.


Ang intensyon nila ay ipakita na sila ay mga bayani,” babala ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. na humingi rin ng tulong sa media para mabalaan ang publiko laban sa panlilinlang ng mga hacker.


Inabisuhan din ni Ledesma ang publiko laban sa pagbubukas, pag-post at pag-share, sa halip ay i-report kaagad ang mga nakitang sensitibong impormasyon online at social media sa PhilHealth at sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para maiwasan ang pagkalat nito. Maaaring mag-email



Tiniyak ng PhilHealth na ginagawa nito ang lahat para maibalik ang iba pang systems kasama ang HCI portal at application servers pagkatapos ng security testing.


Matatandaang naibalik na sa normal ang website, Member Portal at e-Claims nito noong Biyernes, Setyembre 29, 2023.


Batid namin na nagdulot ito ng abala sa aming mga miyembro at stakeholders. Para mapagaan ang epekto nito, agad kaming naglabas ng advisories upang matiyak ang patuloy na serbisyo at mga benepisyo ng mga miyembro,” pagtitiyak ng hepe ng PhilHealth.


Binigyang diin niya ang walang patid na commitment ng ahensya sa pag-iingat sa privacy at impormasyon ng mga miyembro.


Sabi pa niya, “Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang PhilHealth katuwang ang DICT at National Privacy Commission, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police. Kami ay nangangako na susuporta sa mga ahensyang ito para mapanagot ang mga may sala.”


Hinimok din niya ang ilang mga grupo na iwasan ang pagkakalat ng mga maling impormasyon para maiwasan ang kaguluhan at kalituhan, at kung may hawak na impormasyong may kinalaman dito ay makipag-ugnayan agad sa mga awtoridad.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | October 06, 2023



Hello, Bulgarians! Ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay nag-aalok ng mga serbisyo sa paglilinis ng septic tank sa mga residential at semi-business customer ngayong Oktubre sa mga piling bahagi ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela, at Cavite Province nang walang dagdag na bayad.


Ang sanitation program ng Maynilad ay isa sa mga pagsisikap ng kumpanya na bawasan ang polusyon sa mga river system ng Metro Manila.


“We ask our customers to avail of this service, as it will help to protect community health and the environment,” sabi ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado.


Ang mga customer na naninirahan sa Barangay 81, 82, 84, 85, 167, 171 hanggang 176, 178, 180, 181, 183, 185, 186 at 188 sa Caloocan; Bgy. Pamplona 1 hanggang 3 at Talon Dos sa Las Piñas; Bgy. Longos sa Malabon; Bgy. San Isidro sa Makati; Bgy. Poblacion at Putatan sa Muntinlupa; Bgy. Tanza sa Navotas; Bgy. Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Dionisio, at San Isidro sa Parañaque; Bgy. Capri sa Quezon City; Bgy. Bagbaguin, Lawang Bato, Mabolo, Paso de Blas, Pasolo, Rincon at Veinte Reales sa Valenzuela City ay maaaring maka-avail ng serbisyong paglilinis ng Maynilad.


Bukod dito, ilang kustomer ng Maynilad sa Cavite Province, partikular sa Bgy. Aniban 2, 4, at 5, Molino 3 & 4, at Real 1 sa Bacoor City; Bgy. 10-A, 10-B, 13, 16, 18, 19, 23, 26, 28, 29, 29-A, Dalahican, Panapaan, at San Roque sa Cavite City; at Buhay na Tubig, Bucandala 1 hanggang 5, at Carsadang Bago 2 sa Imus City ay maaaring mapakinabangan ang mga serbisyo ng kumpanya na paglilinis ng septic tank nang walang dagdag na gastos. Ang serbisyo sa paglilinis ng septic tank ay karaniwang nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 4,700 bawat trak.


Ang mga kustomer ng Maynilad na interesadong mag-avail ng septic tank cleaning service ay maaaring tumawag sa Maynilad Hotline 1626 upang matukoy ang mga kinakailangan at pamamaraan. Ang karagdagang impormasyon ay makukuha rin sa website ng kumpanya, www.mayniladwater.com.ph, at social media accounts (Twitter: @maynilad, Facebook: /MayniladWater).


Ang Maynilad ang pinakamalaking pribadong water concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Pilipinas. Kasama sa lugar ng serbisyo nito ang mga lungsod ng Maynila (maliban sa mga bahagi ng San Andres at Sta. Ana), Quezon City (Kanluran ng San Juan River, West Avenue, EDSA, Congressional, Mindanao Avenue, ang northern part na nagsisimula sa mga distrito ng Holy Spirit at Batasan Hills), Makati (kanluran ng South Super Highway), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas, at Malabon, kasama na ang Metro Manila; at ang mga lungsod ng Cavite, Bacoor, at Imus, at ang mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario, maging sa lalawigan ng Cavite.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page