top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | October 27, 2023





HELLO, Bulgarians! Kamakailan ay muling naglunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng condonation at restructuring program na mas mahaba at abot-kayang payment terms upang makinabang ang mga former member, old-age pensioner, re-employed member, at iba pang mga borrower na may overdue loan.


Ang tinaguriang Restructuring Program for Service Loans (RPSL) ay one-time condonation at restructuring program na naglalayong bigyan ang mga delingkwenteng borrower ng mas flexible at mas magaan na opsyon upang bayaran ang kanilang due at demandable service loan gayundin ang kanilang mga multa at surcharge. Nilalayon din ng programa na mapabuti ang kahusayan sa pagkolekta ng pension fund’s loan.

“GSIS hopes to address the clamor of our members and pensioners who would like to settle their obligations in full or in part through flexible means,” pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso.


Maaaring mag-aplay ang mga borrower para sa RPSL over-the-counter sa alinmang opisina ng GSIS. Dapat silang magsumite ng duly accomplished RPSL application form kasama ang photocopy ng Phil ID, GSIS eCard, valid passport, o anumang dalawang valid government-issued ID.


Ang RPSL program ay sumasaklaw sa iba’t ibang mga service loan, na kinabibilangan ng GSIS Salary Loan; Enhanced Salary Loan; Restructured Salary Loan; Emergency Loan Assistance; Summer One-Month Salary Loan; Member’s Cash Advance; eCard Plus Cash Advance; Consolidated Loan; Enhanced Conso-Loan; Emergency Loan; Home Emergency Loan Program; Study Now, Pay Later; Fly PAL, Pay Later; Educational Assistance Loan; Stock Purchase Loan; Policy Loan; Optional Policy Loan; GSIS Financial Assistance Loan; Program for Restructuring and Repayment of Debts; Multi-Purpose Loan; Computer Loan; at iba pang mga loan sa hinaharap.


“By strengthening our loan collection efficiency, we are also protecting the financial health of the pension fund so that members may avail of benefit and services when they fall due,” sabi pa ni Veloso.


Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang GSIS website (www.gsis.gov.ph) o GSIS Facebook page (@gsis.ph), mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk 'N Text subscribers).


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | October 25, 2023



Hello, Bulgarians! Ang Social Security System (SSS) ay nagsagawa ng Run After Contribution Evaders (RACE) operation noong Oktubre 13, 2023, na nag-abiso sa pitong employer na sakop ng SSS Parañaque-Tambo Branch na may mga paglabag sa hindi pagpapadala at hindi paggawa ng mga rekord.


Batay sa legal assessment, umabot sa P2.7 milyon kontribusyon ang delinquencies ng mga employer, na nakaapekto sa humigit-kumulang 102 empleyadong miyembro ng SSS.


Binigyan ng 15 araw ang mga employer para makipag-ugnayan sa nasabing sangay ng SSS hinggil sa pagsasaayos ng kanilang mga paglabag. Ipinaalam din sa kanila ang tungkol sa magagamit na flexible payment, kabilang ang contribution penalty condonation program.


Nasa larawan sina SSS National Capital Region (NCR) South Division Acting Vice President Cristine Grace Francisco (ikatlo mula sa kanan), SSS NCR South Legal Department Acting Head Atty. Victorina Pardo-Pajarillo (pangalawa mula sa kanan), SSS Parañaque-Tambo Acting Branch Head Fe Redencion Fernandez (ikaapat mula sa kanan) at iba pang empleyado ng SSS na naghahatid ng notice of violation sa isang business establishment.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | October 22, 2023



Hello, Bulgarians! Bunsod ng data breach na nagdulot ng pansamantalang manual operations, hinikayat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na gamitin ang PhilHealth Member Portal para ma-check nang ligtas ang kanilang membership at contribution record.


Maliban sa pag-access ng membership at contribution record, maaari ring magbayad ng kontribusyon ang mga self-paying members sa Member Portal at magparehistro sa accredited Konsulta providers para makagamit ng Konsulta Package. Kung sakaling kailanganin ng mga miyembro ang kopya ng kanilang Member Data Record (MDR), madali rin nila itong ma-download sa Portal at ma-print sa pamamagitan ng Portal link na https://memberinquiry.philhealth.gov.ph/member/.


Pinaalalahanan din ng PhilHealth ang mga miyembro na maging maingat at siguraduhing opisyal na website lamang ang ia-access at ito ay ang https://www.philhealth.gov.ph.


Dagdag pa ng ahensya, na ang website ay may domain na gov.ph at hindi .com o .net.


Ang website connection ay dapat nagsisimula sa tag na https (hypertext transfer protocol secure) at may naka-display na padlock connection secure icon sa gawing kaliwa sa itaas na bahagi.


Para sa mga bagong gagamit ng Member Portal, kailangang gumawa ng sariling account gamit ang kanilang PhilHealth Identification Number (PIN) at mag-assign ng malakas na password. Makakatanggap sila ng confirmation sa kanilang email address at kapag natanggap na ng PhilHealth ang confirmation, maaari na nilang magamit ang serbisyo ng Portal.


Samantala, pinaalalahanan din ang partner health facilities nito na maaari na nilang ma-access ang Health Care Institution Portal. Dahil dito, hindi na kailangang magdala ng printed MDR ang mga miyembro upang makagamit ng mga benepisyo.


Siniguro rin ng ahensya na lahat ng Pilipino, rehistrado man o hindi, ay may karapatang makinabang sa mga benepisyo alinsunod sa Universal Health Care Act. Habang patuloy na ibinabalik ang frontline systems, ang mga hindi pa rehistradong miyembro o walang PIN ay dapat magsumite ng accomplished PhilHealth Member Registration Form (PMRF) kasama ang mga supporting document sa health facility upang makagamit ng mga benepisyo.


Muling umapela si PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr. sa publiko na manatiling kalmado at mapagmatyag laban sa posibleng phishing attacks. Hinikayat din niya ang mga miyembro na magpalit ng bago at matibay na password, at huwag itong ipagsabi sa ibang tao.


“Mag-ingat din po tayo sa mga nag-aalok online na sila na ang mag-aasikaso o kukuha ng inyong PhilHealth ID o MDR kapalit ng pagbabayad. Una, wala pong bayad ang ID at MDR.


Ikalawa, wala tayong ino-authorize na mag-ahente sa PhilHealth. Delikado po ito dahil makokompromiso ang inyong personal details,” babala ni Ledesma sa mga miyembrong pumapatol sa ganitong alok sa social media.


Muli niyang inihayag ang abiso ng mga eksperto na huwag pansinin at i-click ang mga kaduda-dudang link. “Pinakamabuting iwasan ang mga kahina-hinalang tawag at burahin ang mga text o email mula sa hindi kilala at kahina-hinalang senders upang maiwasang mabiktima ng mga scammer,” wika pa niya.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page